[Altheah's POV]
Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin, tahimik na nakaupo. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nakalabas na ako ng hospital, pati na rin si Aiken. Nakalabas na rin ako sa Black Spade, ganun narin sina Aiken. Nakalabas na siya mula sa Demonical Phoenix Gang.
Nakakulong na din si Nathan at sabi niya ay maayos na siya. Nasa Amerika narin si Sophie dahil doon na siya pinag aral ng mommy niya. At iniimbistigahan narin ng mga pulis ngayon sila ni Jace at Sarah. At oo, si Nathan lang ang nakulong at hindi ako kasama.
[Flashback, A day earlier]
Nandito na ako ngayon sa presinto, dadalawin ko si Nathan. Medyo nakokonsensya ako kasi dapat kaming dalawa ang nakakulong ngayon. Mamamatay tao din ako katulad niya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi manlang ako hinuli ng mga pulis.
Pumasok na ako sa loob ng presinto at pinalabas na rin ng selda si Nathan. Umupo siya sa harapan ng inuupuan ko at nginitian niya ako.
Inaamin ko, nasasaktan parin ako sa ginawang panloloko niya sa akin. Hindi lahat ng sugat ay madaling maghilom. Pero ngayon, may pumalit na sa kanya sa puso ko. Si Aiken. Kaya medyo magaan na ang pakiramdam ko habang kaharap siya.
"Kamusta ka na diyan sa loob?"
Pangungumusta ko sa kanya kaya ngumiti siya sa akin.
"Okay lang. Diyan naman talaga ako nararapat eh. Mamamatay tao ako."
Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya at yumuko ako kaya nagtaka siya. Hindi lang siya ang mamamatay tao. Ako rin.
"Bakit hindi mo rin ako pinakulong? Pareho lang naman tayong mamamatay tao ah......"
Sabi ko habang nakayuko parin. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko sa kanya at nagtaka ako kung bakit parang wala siyang reaksyon sa sinabi ko. Maya maya ay umiling iling siya kaya kumunot ang noo ko.
"Altheah, hindi ka mamamatay tao...."
Sabi niya kaya napangisi ako at natawa ako ng mahina. Kung hindi ako mamamatay tao eh anong tawag sa akin?
"Anong hindi? Marami na akong napatay Nathan! Marami na akong nasaktan! Paano mo nasabing hindi ako mamamatay tao?"
Tanong ko pero tumingin lang siya sa malayo at tumingin ulit sa akin na parang nag aalinlangan na magsalita.
"Gusto mo ba talagang malaman?"
Tanong niya na para bang may ibubunyag siyang sekreto kaya nagtaka ako. Anong——
"Bakit? Ano ba ang dapat kong malaman?"
Pagtatakang tanong ko at tiningnan niya ako sa mata kaya alam kong seryoso talaga ang pag uusapan namin ngayon. Nagseryoso narin ako at nakinig ako ng mabuti sa mga sasabihin niya.
"Alam mo ba kung bakit palagi akong nasa tabi mo kung may kailangan kang patayin?"
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Ficção AdolescenteLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...