[Altheah's POV]
"NAGISING NA ANG SUSPEK! MAGSIKALAT KAYO!"
Nagulat ako nang biglang may sumigaw kaya bigla akong nagising. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nasa hospital na pala ako.
Napansin ko rin ang mga pulis na nakatayo sa paligid ng kwartong to habang nagbabantay lang sa akin.Wala na talaga akong kawala. Pagbabayaran ko ba talaga ang kasalanang hindi naman ako ang gumawa?
Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan at nakita ko sina Aiken, Chrystel, at si Rhaine kaya napangiti ako. Umupo ako sa kinahihigaan ko at biglang sumakit ang binti at gilid ng tiyan ko na tinamaan ng baril kaya napapikit ako. Nakalimutan ko pala na dito ako tinamaan ng bala.
Napatingin ako sa mga kamay kong nakagapos kaya naalala ko ang mga nangyari kanina. Magbabayad sila ng pinsan ng kapatid ko. Gaganti ako sa kanila dahil sa ginawa nila sa mga magulang ko.
"Altheah....."
Lumapit sila sa akin kaya nabalik ako sa sarili ko. Napansin kong nasa tabi ko na pala sila kaya napaiyak ako habang nakatingin sa kanila. Akala ko hindi nila ako pupuntahan. Akala ko nag iisa lang ako.
"Patay na sila. Patay na yung parents ko. Pinatay na sila ni Sarah at ni Jace......"
Sabi ko habang umiiyak. Lumaki ang mga mata nilang tatlo at napatabon sila sa bibig nila kaya alam kong nagulat siya tungkol dun. Agad naman akong niyakap ni Aiken kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Gumaan ang loob ko dahil naisip ko na baka hindi na siya galit sa akin at sa ginawa ko sa kanya. Maya maya ay binitiwan na niya ako at napatingin siya sa paligid habang nagtataka.
"Altheah, bakit ang daming pulis sa paligid?"
Napatingin na rin ako sa paligid at tumingin ulit sa kanya para sagutin ang tanong niya.
"Pinalabas kasi ni Sarah at ni Jace na ako ang pumatay sa parents ko kaya tumakas ako sa mga pulis hanggang sa binaril nila ako......"
Nagulat siya dahil sa sinabi ko at tumingin ulit siya sa paligid.
"Bakit mo ginawa yun? Bakit ka tumakas? Mas lalo ka lang nilang paghihinalaan dahil nanlaban ka!"
Oo nga. Ang bobo ko! Hindi ko manlang ba naisip yun?!
Napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin na halatang nag aalala. Nginitian ko siya kaya napangiti narin siya habang nakatitig lang sa akin. Siguro ito na ang pagkakataon para humingi ako ng tawad sa kanya. Nasaktan ko siya kaya kailangan kong humingi ng sorry.
"Aiken, dude. Sorry. Sa lahat..."
Kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana siya pero biglang bumukas ang pintuan kaya pareho kaming napalingon dun. Nakita namin si Nathan na parang nag aalala rin at agad siyang lumapit sa amin.
Teka, anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?
"Nathan?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
Nagtaka ako dahil hindi parin siya umiimik habang nakatitig parin sa akin. Maya maya ay napatingin siya sa binti ko at sa tiyan ko na may tama ng baril at napailing iling siya. Lumingon siya sa mga pulis na nakapalibot sa amin at tiningnan niya sila ng masama.
"Pwede niyo ba kaming iwan kahit saglit lang? May pag uusapan lang kami. Bakit ba nandito kayo? Hindi niyo ba alam ang salitang privacy?"
Pasigaw na utos niya kaya natakot sila. Lumabas na yung mga pulis at naiwan kaming lima dito sa loob. Napatingin si Nathan sa mga kasama ko dito at inirapan niya silang lahat kaya nagtaka ako.
"Pati narin kayo. Labas....."
Utos ni Nathan kaya lumabas na rin silang tatlo ni Aiken, Chrystel, at Rhaine kahit na labag sa kalooban nila. Nang nakalabas na sila ay kaming dalawa nalang ni Nathan ang naiwan dito. Umupo siya sa upuan na nasa tabi ng kamang inuupuan ko at hinawakan niya ang pisngi ko para pakalmahin ako at patigilin ako sa pag iyak.
"Alam kong si Sarah at Jace ang pumatay sa parents mo......"
Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa mukha niya. Paano——
"Paano mo nalaman?"
Tumingin muna siya sa paligid bago niya ako sinagot at binitawan na niya ang pisngi ko. Inilipat niya ito sa kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"May CCTV doon. At alam ko ang lugar na yun......."
Napangiti ako sa sinabi niya at nabuhay ang pag asa ko. Mabuti naman kung ganun.
"May video ka ba sa kanila habang pinapatay yung parents ko? Please, ipakita yun sa mga pulis. Ayaw kong makulong......"
Napaiyak ako nang naisip kong makukulong na ako kaya agad niya akong pinatahan. Hinawakan niya ulit ang pisngi ko at pinahiran niya ang mga luha ko.
"Altheah, kung ipapakulong lang natin sila, alam naman nating makakawala parin sila at gagantihan ka na naman nila...."
Napaisip ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Oo nga. Tama siya.
"May atraso din sila sa akin. Pinatay at ninakawan nila ang ate ko a year ago. Pinakulong ko na sila. Pero tingnan mo naman. Nandyan parin sila diba?"
Napatingin ulit ako sa kanya at napaisip ako. Mamamatay tao pala talaga ang pinsan at kapatid ko. Kaya pala parang sanay na sanay na silang pumatay ng tao. Tama nga siya. Ang tanga tanga ko pala talaga kung ipapakulong ko lang sila.
"Altheah, sabay tayong maghiganti sa kanila. Kasali ako sa gang na naging pamilya ko na rin ngayon. Tutulungan nila tayo. In fact nga, nandyan na sila sa labas at hinihintay na nila tayong makatakas......"
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Itatakas niya ako? Bakit niya gagawin yun?
"Itatakas mo ako? Isasali mo ako sa gang?"
Sunod sunod na tanong ko at hinawakan na naman niya ang kamay ko at nginitian niya ako sabay tango.
"Oo. At promise, hinding hindi mo yun pagsisisihan katulad ko......."
_______________________________
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...