☁︎ CHAPTER 77 ☁︎

135 2 0
                                    

[Altheah's POV]

        

"Anong oras na ba Chrystel?"

Tanong ko kaya tiningnan naman ni Chrystel ang relo niya saka siya tumingin ulit sa akin.

        

"Alas syete na......"

Tumango tango ako at tumingin ulit ako sa paligid. Nandito parin kami ngayon sa loob ng tent, nakaupo lang. Yung mga lalaki ay nakaupo dun sa kanan habang kaming mga babae naman ay nakaupo lang din dito sa kaliwa. Nasa gitna ako nina Chrystel at Rhaine, at nasa gitna rin si Aiken nina TOP at Vernon.

          

"Tutal wala na naman tayong ibang magagawa. Mabuti siguro kung matutulog nalang muna tayo ngayon kasi gigising pa tayo ng maaga bukas para maghanap ng pagkain...."

Tumango nalang din kami bilang pagsang ayon sa sinabi ni Vernon at humiga na kaming lahat para matulog na.

.
.
.
.
.
.

Anubayan.

Hindi parin ako nakakatulog hanggang ngayon. Hindi pa kasi ako inaantok. Tumingin ako kina Vernon at Aiken at nakita ko silang tulog na tulog na.

        

"Altheah....."

Napalingon ako kay Chrystel at nakita ko siyang nakatingin lang din sa akin habang gising parin.

        

"Bakit?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Pwede palit tayo ng pwesto? Hindi kasi ako makatulog dito eh....."

Sabi niya at tumingin muna ako sa pwesto niya. Tinanguan ko siya at nagpalit na nga kami ng pwesto. Ako na ang pinaka gilid ngayon at medyo naging komportable na ako dito kaya tuluyan na nga akong nakatulog.

[Aiken's POV]

          

"AH- CHOO!!!"

Nagising ako bigla kasi may nakapasok na kung ano sa ilong ko. Lintek yun, naninira ng tulog.

"Ano ba tol. Ang ingay mo. Natutulog yung tao eh...."

Lumingon ako kay TOP at nakita ko siyang nagsasalita pa habang natutulog.

           

"Sorry tol. May something kasi na pumasok sa ilong ko..."

Sagot ko kaya natawa siya habang nakapikit parin kaya nagtaka ako. Bakit siya tumatawa? Anong nakakatawa?

            

"Dahil kasi yan sa laki ng ilong mo tol...."

Tinawanan ko nalang din ang sinabi niya kahit na naaasar na ako at napalingon ako doon sa mga babae. Napansin kong sa pinakagilid nakahiga si Altheah kaya napangisi ako. Opportunity ko na to. Hehehe.

Tinapik ko ang braso ni TOP para gumising siya pero binalewala lang niya ito kaya hindi rin ako tumigil sa pagtapik ng braso niya para magising na talaga siya.

          

"Tol ano ba?" Inis na tanong niya.

"Tol. Palit tayo....."

"Ayoko kaya."

"Tol naman eh. Palit nga tayo."

Sabi ko pero hindi parin siya nagigising. Nakapikit parin siya habang nag uusap kami kaya medyo nainis ako.

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon