☁︎ CHAPTER 90 ☁︎

106 5 0
                                    

[Altheah's POV]

"What's happening here? Bakit may sakitan na nangyayari?"

Sabay sabay kaming napalingon doon sa stepmom ni Aiken na kararating lang. Tiningnan ako nito ng masama kaya napairap ulit ako.

"Kung gulo lang naman pala ang pinunta niyo dito pwes makakaalis na kayo at wag na wag na kayong bumalik!"

Sigaw pa nito habang nakaturo sa gate kaya napatingin din ako dun. Lumingon muna ako kay Aiken at nakikita ko sa mga mata niya na ayaw niya akong paalisin kaya hindi rin ako kumibo.

"Get out or I will call a police!"

Galit na galit na sigaw ulit nito pero hindi parin kami kumikibo ni Rhaine at Chrystel. Napatingin na naman ako doon sa stepmom ni Aiken at inirapan ko siya. Wala akong balak na umalis. Hindi ko iiwan dito si dude. Dahil paniguradong sasaktan na naman siya dito.

"My mom said get out! Bingi ka ba or what?!"

Nalipat ko ang tingin ko kay Kaye at inirapan pa niya ako. Ang sarap patayin ng bruha nato. Kung dala dala ko lang ang baril ko siguro kanina ko pa pinatagos ang bala nito sa ulo niya.

"Altheah. It's better kung aalis muna tayo...."

Lumingon ako kina Rhaine at ni Chrystel na nakatayo lang sa tabi ko at tinaasan ko sila ng kilay. Sila ang nag aya na sumulong kami dito tapos sila din pala tong mag aaya na umalis.

Lalaban pa sana ako pero napaisip ako. Tama naman sila. Kung hindi pa kami aalis baka magkagulo pa dito. Tiningnan ko na naman si Aiken at hinawakan ko ang kamay niya para magpaalam muna.

"Dude. Sa ngayon, aalis muna ako ah. Promise, babalikan kita......"

Dahil sa sinabi ko ay tumulo ang mga luha niya at hinila niya ako palapit sa kanya saka niya ako niyakap. Napangiti narin ako at maya maya ay binitawan na niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at nginitian din niya ako.

"Dude. Tutuparin ko ang promise ko sayo.... pangako yan...." Sabi niya at tinanguan ko siya.

"Itigil niyo na nga yang drama niyo! Nakakadiri kayo tingnan eh!"

Lumingon ako kay Kaye at napansin ko na naiinis na talaga siya sa amin kaya nilayuan ko na si Aiken. Tumalikod na ako at tinabunan ko ang mukha ko para hindi niya makita na umiiyak na ako.

Bakit ba kasi kailangan pa namin tong pagdaanan para lang maging masaya kaming dalawa? Bakit ba kasi kailangan pa naming makipag away sa ibang tao para lang maging kami sa huli?

"Dora....."

Palabas na sana ako ng gate pero napatigil ako nang tinawag niya ako. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang pinipilit na ngumiti.

"I love you. Wag mong kakalimutan yan ah."

Sabi niya kaya nginitian ko naman siya pabalik saka ako tumango bilang sagot.

"I love you too bakla. Wag mo rin yang kakalimutan."

Napatingin na naman ako kay Kaye at nirolyo niya ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko nalang rin siya pinakealaman at lumabas nalang kami ni Chrystel at ni Rhaine.

Nang nakalabas na ako ay saka pa bumagsak ng tuluyan ang mga luha ko. Kanina ko pa kasi to pinipigilan kasi ayokong nakikita ako ni dude na umiiyak.

"Altheah, okay lang yan. Babalik tayo dito mamayang hating gabi okay? Dudukutin natin si Aiken...."

Niyakap ako nina Rhaine at ni Chrystel at umiyak ako sa mga yakap nila.

Bakit ganun? Pinaglaban ko naman ah. Lumaban naman ako. Pero bakit hindi umepekto? Bakit parang kami parin ang talo?

[Aiken's POV]

Nang nawala na ng tuluyan si Altheah sa paningin ko ay napaupo ulit ako sa sahig saka ako umiyak ng umiyak.

Bakit ba palagi nalang na may humaharang sa amin? Bakit parang ang lupit naman ng pag ibig pagdating sa amin? Bakit kailangan pa kaming pahirapan ng ganito?

"Babe."

Hahawakan na sana ako ni Kaye pero nilayo ko ang sarili ko sa kanya. Ayokong magpahawak sa kanya. Ayoko sa kanya.

"Don't touch me....."

Malamig na pangtanggi ko. Lumayo naman siya kaagad sa akin at pinilit ko ang sarili kong tumigil sa kakaiyak. Napatingin ako kay Kaye at inirapan ko siya. Habol siya ng habol sa akin kahit alam niyang wala naman siyang mapapala sa ginagawa niya.

"Babe. I just want to make you feel better...."

Napangisi ako sa sinabi niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko siya ng masama. Talaga? Feel better? Puta paano?!

"Paano bubuti ang pakiramdam ko?! Bubuti lang ang pakiramdam ko kapag titigilan mo na ako!Ganyan ka na ba talaga kadesperada? Naninira ka ng relasyon ng dalawang tao para lang makuha ang gusto mo! Kung gusto mo ako pwes ako hindi kita gusto! Ilang beses ko nang sinabi sayo na tigilan mo na kami ni Altheah! Pero anong ginawa mo? Pinagsisiksikan mo parin yang sarili mo sa taong wala na namang puwang para sayo! Tapos ngayon sasabihin mo na gusto mong bubuti ang pakiramdam ko?! Gaga ka ba o bobo?! "

Agad akong sinampal ng stepmom kaya mas lalo pang nagpa init ng dugo ko. Hindi ko naramdaman ang sakit ng pagsampal niya sa mukha ko dahil sa dami na ng pasa at sugat ko sa katawan na mas masakit pa kaysa dun.

"Don't talk to your fiancé like that!"

Tsk..... Fiancé? Hinarap ko ulit siya at ngumisi ako.

"Ito ba ang dahilan kung bakit ka pumayag na maging guardian namin ni Athena? Para perahan kami? Para ibenta kami? Eh kung makasal nga kami ni Kaye sino na naman bang peperahan mo? Si Athena na naman ba? Ibebenta mo rin siya sa lalaking mapera pero hindi naman talaga niya mahal katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon. Pero sisiguraduhin kong hindi mo yun magagawa sa kanya. Hindi ko hahayaang mararamdaman din ng kapatid ko ang nararamdaman ko ngayon...."

Sabi ko at lumabas na nga ako ng gate. Napatulala silang dalawa kaya nakakuha ako ng tiyempo na tumakas dahil wala din yung mga utusan ng bruhang stepmom ko.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Altheah na umiiyak na pala habang pinapakalma siya nila ni Rhaine at ni Chrystel. Hindi ko alam na umiiyak pala siya. Kanina kasi, alam kong pinipilit niya ang sarili niyang magpakatatag.

"Dude...."

Tumigil na siya sa pag iyak niya at alam kong dahil yun sa nakilala niya ang boses ko. Bago pa man siya makalingon sa akin ay hinila ko na kaagad ang kamay niya palayo sa bahay nato. Gusto kong sulitin itong araw nato kasama siya.

Ipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal para hindi niya makalimutan kung paano ako magmahal.

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon