☁︎ CHAPTER 36 ☁︎

185 7 0
                                    

[Altheah's POV]

"Hey. Anong ginagawa mo diyan?"

Inangat ko ang mukha ko at nakita ko si Aiken kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya dito? Gabi na ah.

"Ikaw nga ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo dito sa bahay ko....."

Sagot ko sa kanya habang nakayakap parin ako sa tuhod ko.

"Napadaan lang ako dito galing sa grocery store. Eh ikaw, bakit ka nandyan? Atsaka, bakit may dala kang maleta? Naglayas ka ba?"

Haiissttt. Ang dami niyang tanong.

"Pinalayas ako ng parents ko kasi may nakita silang drugs sa aparador ko eh hindi ko nga alam kung bakit yun napunta sa kwarto ko. At sa tingin ko, si Sarah ang nagplanta ng drugs na yun para paalisin ako ng parents ko at mapupunta sa kanya ang lahat ng atensyon nila....."

Sagot ko kaya lumaki kaagad ang dalawang mata niya at napatingin siya sa bahay namin. Hinanda pa niya ang mga kamao niya habang nakatingin sa bahay kaya nagtaka ako. Anong gagawin niya?

"Nandyan ba sa loob yung Sarah? SARAH! SARAH! LUMABAS KA DIYANG GAGA KA!"

Tong lalakeng to!

Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at pinigilan ko siya sa kakasigaw sa harapan ng bahay namin. Pinaupo ko siya sa tabi ng inuupuan ko at pinakalma ko siya. Baka kase magkagulo pa dito.

"Wala si Sarah diyan. Bukas pa yun babalik dito...."

Sabi ko kaya pinigilan niya ang galit niya at huminga nalang siya ng malalim. Maya maya ay tumingin ulit siya sa akin na parang nag aalala.

"So... Anong nang balak mo ngayon? Saan mo balak matulog?"

Tanong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya at nginitian ko siya ng bahagya.

"Edi dito sa kalsada. Saan pa ba? Wala akong dalang cash o kahit na credit card....."

Sagot ko kaya nilibot niya ang tingin niya sa palibot ng kalsada saka siya tumingin ulit sa akin habang nakataas ang kilay.

"Sure ka? Pwede namang dun ka muna magstay sa bahay ko. Wala ang stepmom ko dun, atsaka wag ka ring mag alala kasi nandun naman ang sister ko....."

Oo nga no. Sabagay, wala dun ang parents niya at wala din naman akong dapat na ipag alala kasi nandun naman daw ang sister niya.

Atsaka, magkaibigan naman kami kaya okay lang siguro yun.

"Eh okay lang ba yun para sa sister mo?"

Tanong ko kaya ngumiti naman siya sa akin at tumango.

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon