☁︎ CHAPTER 85 ☁︎

111 3 1
                                    

[Aiken's POV]

Nandito na kami ngayon sa labas ng mall, kahawak kamay ko lang ang girlfriend ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang kami na ng babaeng pinapangarap ko lang noon kaya paminsan minsan kong hinahampas ang sarili ko para magising ako kung sakaling panaghinip lang to.

Nasa loob parin yung dalawang bruha at dalawang ugok kaya kami lang ni Altheah ang nandito habang nag aabang ng pwedeng masakyan. Umuwi narin kasi si Athena kasi naaout of place daw siya kapag kasama niya kaming anim.

Lumingon ako kay Altheah at napansin ka na masaya rin siya katulad ko kaya napangiti ako. Lumingon siya sa akin at nginitian niya rin ako saka niya inayos ang maikling buhok niya. Maya maya ay nawala din ang ngiti niya at lumingon na naman sa akin.

        

"Dude, CR muna ako..."

Sabi niya at tinanguan ko naman siya. Binitawan niya ang kamay ko at tumakbo siya kaagad papasok ng mall kaya natawa ako. Siguro CR na CR na talaga siya.

Nakatingin lang ako sa kanya pero maya maya ay may humintong kotse sa harapan ng kinatatayuan ko kaya inalis ko muna ang tingin ko at lumingon ako para tingnan ito.

Tiningnan ko ng maigi kung sino ang nagdadrive nito pero hindi ko naman ito kilala kaya nagtaka ako. Maya maya ay may bumabang dalawang lalaki mula rito na hindi ko rin kilala at nilapitan nila ako.

        

"Sino ho kayo?" Tanong ko.

"Ser, kailangan niyo nang umuwi....."

Alam ko na pala. Tauhan sila ng stepmom ko. Sigurado akong yung stepmom ko na naman ang nag utos sa kanila. Pero, paano niya nalaman na nandito ako?

Hindi. Hindi ako uuwi. Hindi ko iiwanan si Altheah dito.

         

"Ayokong umuwi....." Malamig na sagot ko sa kanila.

"Pero ser——"

"Iwanan niyo nalang ako dito......" Sabi ko at inirapan ko sila.

Nagtinginan silang dalawa na para bang may pinaplano sila kaya palihim ko nang hinanda ang sarili ko. Maya maya ay bigla nalang nilang sinuntok ng pagkalakas lakas ang tiyan ko kaya natumba ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman kong may kumirot sa ilalim ng tiyan ko kaya napahawak ako dito. Nang medyo nawala na ang kirot nito ay tatayo na sana ako pero bago pa man ako makatayo ay sinuntok na naman nila ako ng ilang beses kaya natumba na naman ako.

Napahiga ako sa sahig at maya maya ay nandilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

[Altheah's POV]

Palabas na sana ako pero napansin kong wala na si dude dun sa kinatatayuan niya kanina kaya nagtaka ako. Nasan na yun?

        

"Yung baklang yun talaga. Saan na naman kaya yun pumunta?"

Lumabas ako ng mall at tiningnan ko ng maigi ang paligid. Nang nakita kong wala talaga siya dito ay pumasok nalang ulit ako ng mall para hanapin siya. Baka kasi pumasok siya saglit.

Ilang minuto akong naghanap sa kanya at nasuyod ko na ang kasulok sulukan ng lugar nato pero hindi ko parin siya nahahanap kaya kumunot ang noo ko. Nasan na kaya yun?

         

"VAL naman eh!"

Narinig ko ang boses ni Rhaine mula dun sa likod kaya napalingon agad ako dun at nakita ko sila ni Chrystel na kasama ang mga boyfriend nila. Nilapitan ko sila para tanungin kung nasaan na si dude kaya napatingin sila sa akin.

          

"Guys, nakita niyo ba si dude?"

Kumunot ang mga noo nila at tiningnan nila ang isa't isa.

           

"VAL, nakita mo ba?"

Umiling iling lang si Vernon habang nakatingin parin kay Rhaine.

            

"Diba kayo ang magkasama kanina?"

Nilipat ko ang tingin ko kay TOP at nakita ko siyang nag aalala na. Napakamot ako sa batok ko at tumingin ulit ako sa paligid.

             

"Nasa labas lang siya kanina eh!"

Tiningnan ni Chrystel ng maayos ang paligid at tumingin ulit siya sa akin.

              

"Baka bumalik sa hotel..."

Oo nga. Baka napagod siya kaya bumalik na siya sa hotel. Napahinga ako ng maluwag dahil sa naisip ko. Sana nga yun lang ang nangyari.

           

"Tara guys, bumalik na tayo sa hotel."

Tinanguan ko si Vernon at sabay kaming lumabas ng mall para bumalik na sa hotel.

Sumakay kami ng taxi at habang nasa loob kami ay iniisip ko parin kung saan ba pwedeng pumunta si Aiken. Hindi ko alam kung bakit pero parang may nararamdaman akong kakaiba hanggang sa pagbaba ko ng taxi at pagpasok namin sa hotel.

Yung baklang yun talaga. Kung nakikipaglaro lang siya ng tagutaguan sa akin pwes hindi yun nakakatuwa. Sumakay na kami ng taxi habang hindi ko parin matanggal ang kabang nararamdaman ko.

Maya maya ay bumukas na ang elevator kaya naghiwalay na yung apat na magjowa at nagsipasok na sila sa mga kwarto nila. Dumiretso ako dun sa kwarto ng mga lalaki at tiningnan ko ng maigi ang paligid.

Wala din siya dito. Kung ganun saan siya pumunta? Imposible din na umuwi na siya sa Maynila kasi nandito pa ang mga damit na pinamili ni Athena para sa kanya.

         

"Altheah. Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin ako kina Vernon at TOP na nagtataka kung bakit ako pumasok sa kwarto nila.

         

"Sorry. Tinitingnan ko lang kung nandito ba si Aiken..."

Sabi ko bago ako lumabas. Papasok na sana ako sa kwarto ko pero nakasalubong ko si Athena kaya naisipan kong tanungin siya.

         

"Athena, nakita mo ba ang kuya mo?"

Umiling iling lang siya at tuluyan nang pumasok sa kwarto niya kaya pumasok nalang din ako sa kwarto namin ni Rhaine.

Haiiissssttttt.

"Dude, nasan ka na ba?"

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon