[Altheah's POV]
Nandito ako ngayon sa sala ng bahay namin, tahimik na nakaupo. Pinilit nila ako ni Rhaine na lumabas at kumain. Kulang nalang nga ikaladkad pa nila ako palabas ng kwarto. Naiintindihan ko din naman kung bakit nila ginawa yun.
"Altheah! Kumain ka na!"
Napatingin ako kina Rhaine at Vernon na inaaya akong kumain at tinanguan ko lang sila saka ako pumunta na sa kusina.
"Nandito ba si Altheah?"
Patungo na sana ako doon pero napatigil ako nang may narinig akong boses ng babae at narinig ko ring hinahanap ako nito. Agad akong bumalik sa sala at kumulo ang dugo ko nang nakita ko kung sino ito. Si Kaye. Ang kapal naman ng mukha niyang pumunta dito sa pamamahay ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang galit ko. Itinatak ko sa utak ko na hindi na ako pwedeng pumatay ng tao kaya pinilit ko ang sarili kong kumalma.
Nang napansin nila ni Chrystel na nagkakainitan na kami ni Kaye ay napalunok agad sila at pumunta muna sila sa kusina.
"Can we talk?"
Talk? At ano naman ang pag uusap namin? Kung bibwisetin lang din naman pala niya ako mas mabuti na sigurong umalis na siya bago ko pa siya mailibing ng buhay.
"At ano namang bang pag uusapan natin? Tungkol na naman ba sa kasal niyo ng fiancé mo? Kung papainggitin mo lang naman ako please.... Sayong sayo na si Aiken at hindi ko na siya babawiin sayo so don't worry."
Sabi ko sa kanya habang pilit na nakangiti. Nginitian lang din naman niya ako kaya nagtaka ako kung bakit parang hindi siya nagtataray ngayon.
"Hindi yun. May ipapabasa ako sayo. Basahin mo yan ng maayos saka may pag uusapan tayo...."
Sabi niya at may inabot siyang sobre sa akin kaya kinuha ko naman ito. Binuksan ko ito at nakakita ako ng mahabang sulat kaya kumunot ang noo ko. Napatingin ulit ako kay Kaye at nakita ko siyang nakangiti. Ano to?
[Aiken's POV]
Nagmumukmok lang ako dito sa sulok ng kwarto ko. Pinakawalan na kasi ako nung stepmom ko dahil kailangan ko na raw na mag ready para sa kasal namin ni Kaye.
Ayaw ko sana sa kasal na yan, kaso wala na talaga akong pwedeng pamimilian. Palagi nalang akong lumalaban para sa amin ni Altheah pero wala naman akong nakikitang magandang resulta dun. Sumusuko na ako.
Biglang may bumukas ng pintuan ng kwarto ko kaya agad akong napalingon dun at nakita ko ang maid namin. May dala dala siyang malaking box na kulay puti kaya nagtaka ako.
"Ano yan?"
Tanong ko kaya ngumiti siya at nilagay na niya ang box sa kama ko. Bakit niya yun nilagay sa kama ko?
"Gown yan ni Ms. Kaye...."
Sagot pa nito habang ang laki ng ngiti pero palihim lang akong napairap.
"Eh bakit yan nandito?"
Matigas na tanong ko kaya nawala ang ngiti niya saka siya nagpaliwanag sa akin.
"Share po kasi kayo ng kwarto kaya dito din siya magbibihis....."
Anong—— Share ng kwarto? Bakit kami magshishare ng kwarto? Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at lumabas kaagad ako ng kwarto.
"Ser, saan po kayo pupunta?" Pagtatakang tanong nito.
"Babalik nalang ako doon sa kulungan ko. Ayokong makasama yung Kaye na yun...."
Malamig na sagot ko. Nagtaka siya at tumingin ulit dun sa gown saka siya tumingin ulit siya sa akin.
"Bakit po? Ikakasal na naman po kayo bukas diba?"
Nagulat ako dahil sa sinabi niya saka ako napalingon ulit. So bukas na pala ang kasal namin? Hindi ako nainform tungkol dun ah. Natawa ako at napailing iling nang naisip ko yun.
"Hindi ko siya mahal. Atsaka, bakit ka ba tanong ng tanong? Maid kalang dito at mas matanda din ako sayo. Alam mo naman siguro na pinilit lang talaga akong pakasalan yung babaeng yun..."
Huli kong sinabi sa kanya saka ko siya iniwan. Bumalik ako sa kwarto kung saan ako ikinulong at umupo ako sa sahig. Mas gugustuhin ko pang dito nalang ako kaysa naman sa makasama ko si Kaye sa kwartong yun. Maya maya ay naisip ko na naman si Altheah kaya napayuko ako.
Ang daya ng tadhana. Palagi nalang talaga kaming pinaghihiwalay. Para bang hindi kami pwedeng maging masaya. Bakit ganito? Hindi ba kami pwedeng magkasama?
Biglang bumukas ang pintuan kaya naputol ang iniisip ko at umurong ang mga luha ko. Napalingon ulit ako doon at nakita ko si Kaye na naka wedding gown na kaya agad akong tumingin sa malayo. Kahit kailan talaga pinapainit ng babaeng yan ang ulo ko.
"Babe, bakit ka bumalik dito? Ayaw mo ba akong makasama?"
Hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang siya saka ako napatingin sa gown niya. Napansin kong masyadong maiksi sa kanya ang gown kaya nagtaka ako.
"Babe naman eh. Alam kong nagagandahan ka sa akin pero ayaw mo lang talagang sabihin."
Tsk. Nagagandahan? Bigla akong natawa dahil sa sinabi niya pero hindi ko nalang rin siya pinansin.
"Syanga pala Aiken. May surprise ako sayo bukas. Alam kong matutuwa ka dun kasi pinaghandaan ko talaga yun para sayo....."
_______________________________
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Ficção AdolescenteLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...