☁︎ CHAPTER 45 ☁︎

181 10 0
                                    

[Altheah's POV]

Nakatulala lang ako habang nakaupo. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol kay Aiken. Hanggang ngayon ay puno parin ako ng pagsisisi. Napatingin ako sa paligid at napayuko ako. Nandito ako ngayon sa café na nasa malapit lang sa campus namin, mag isang nakaupo.

Eh pano. Si Rhaine, may kasamang Vernon. Siya lang pala yung Vernon na sinasabi niyang nandito na sa Maynila. Akala ko kasi si dude yun.

Habang si Chrystel naman, may kausap siyang lalake na ngayon pa lang niya nakilala. Kaya naman pareho silang busy habang nakatunganga lang ako.

      

"Kamusta ka na VAL? Okay lang ba ang family ko dun sa baryo natin?" Tanong ni Rhaine dun sa kausap niya.

"Yep. Madalas ko silang binibisita....."

Yan ang usapan nitong si Rhaine at yung Vernon. Inexplain pa nga nila sa akin kanina yung call sign nila. Yung VAL daw, LAV daw yun kapag binaligtad.

Haiisssttt, ang sweet nilang dalawa. Ang sarap tuloy nilang ipakain sa bilyong bilyong langgam na pula.

Napatingin naman ako kina Chrystel at nung kausap niya ngayon at tiningnan ko sila ng masama nang hindi nila nalalaman.

        

"By the way, I'm Topher Gomez...." Sabi nung lalaking yun at nagpapogi pa sa harapan ng kaibigan ko kaya muntik na akong masuka.

"I'm——"

"No need to introduce yourself. Kilala na kita....."

"Ah, okay......"

Yan lang din naman ang usapan nila. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila at napairap ako. Nakakainis. Ako lang ang walang kausap dito.

Sabagay, kasalanan ko to eh. Nireject ko si dude.

Haiissstttt.

[Chrystel's POV]

WAAAAHHHHH!

Ang gwapo ng kausap ko! Huehuehuehue!

      

"Gusto mo na bang mag order?"

Tumango ako sa kanya bilang sagot. Nakakahiya habang kaharap ko siya. Nakapaghilamos ba ako kanina? Nakapag toothbrush ba ako?

       

"Sige, anong oorderin mo?"

Tanong niya kaya nag isip isip ako kung anong oorderin ko habang iniiwasan ko parin siya ng tingin. Maya maya ay may naisip na ako kaya napatingin ulit ako sa kanya.

        

"Cookie crumble frappucino nalang. Hehehe....."

Sagot ko kaya ngumiti siya at nag order na para sa akin. Nang nakaalis na siya ay nasampal ko ang sarili ko dahil sa kung paano ako magsalita sa harapan niya. Ang awkward mo kasi Chrystel!

Maya maya ay bumalik na siya habang dala ang order ko kaya inayos ko ulit ang pagkakaupo ko at nginitian ko siya.

          

"Eto na oh....."

Sabi niya sabay inilapag niya sa mesa ang inorder ko. Nginitian ko nalang din siya at kinuha ko na ito saka ko ito ininom.

Nang napatingin ulit ako sa kanya ay nakita ko siyang nakatitig lang sa akin kaya naibuga ko yung iniinom ko sa mesa. Napatingin ako sa kalat ko at napairap ako saka ko palihim na hinampas ang sarili ko. Ano ba Chrystel! Nakakahiya ka!

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon