☁︎ CHAPTER 22 ☁︎

222 10 0
                                    

[Altheah's POV]

Pumasok na kami sa restaurant at nag order kami ng drinks. Oo drinks lang. Hindi naman kasi kami pumunta dito para kumain, kundi ang pag usapan yung narinig ko.

"Ano na? Ikaw ang nag aya na lumabas tayo tapos nakatunganga ka lang diyan?"

Sabi niya na parang naiinis. Napatingin naman ako sa kanya at inirapan ko siya pero nagseryoso nalang din ako dahil seryoso ang pag uusapan namin ngayon.

     

"Narinig ko kasi si Sarah na may kausap sa phone kanina....."

Sabi ko kaya biglang naging seryoso rin ang mukha niya.

      
"Anong narinig mo?"

Tanong niya kaya huminga muna ako ng malalim saka nagsalita.

      

"May balak siyang patayin ako at ang mommy at daddy ko, pati na rin ang mga taong malapit sa akin. Kabilang ka na din dun......"

Sagot ko kaya lumaki ang mga mata niya at napanganga siya. Alam kong gulat na gulat siya dahil sa sinabi ko na kabilang siya sa mga papatayin ni Sarah.

       

"Isasali niya ako? Ano ba yan! Hindi pa nga ako nakakapanligaw sayo mamamatay na agad ako?!"

Loko talaga to. Inirapan ko siya ulit pero nakanganga parin siya.

       

"Baliw ka talaga. Seryosong usapan to, buhay natin ang nakataya dito......"

Pagkasabi ko nun ay bumalik na naman siya sa pagiging seryoso at umupo siya ng maayos.

        

"Okay. Pero sino ba yung kausap ni Sarah sa phone?"

Haiiisssttt.

Siya pa yung nagtatanong eh hindi ko din naman alam yun.

        

"Ewan ko. Narinig ko lang na tinawag niya yun na couz. Eh wala naman akong ibang pinsan, siya lang talaga......"

Sagot ko kaya namuo ang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin parin sa akin.

        

"Baka may kapatid ka dora......"

Tiningnan ko ulit siya ng masama at inirapan ko siya. Bakit ba talaga niya ako tinatawag na dora? Nakakairita na ah!

"Hindi nga ako si dora! Eh kung bugbugin kaya kitang bakla ka?"

Pagbabanta ko pa pero natawa lang siya kaya napairap ulit ako.

          

"Edi bugbugin mo ako. Hindi naman yan ikasisira ng kagwapuhan ko......"

Mas lalo pa akong nainis sa sinabi niya pero hindi ko nalang rin siya pinansin. Umupo nalang ulit ako ng maayos para pag usapan namin ng malinaw yung pinag uusapan namin.

          

"Baka nga, may kapatid ako......."

Sagot ko at napansin kong mas lumalim pa ang pag iisip ni Aiken dahil sa sinabi ko.

           

"Eh kung kapatid mo nga yun, bakit naman niya papatayin ang sarili niyang kapatid at mga magulang?"

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon