☁︎ CHAPTER 29 ☁︎

180 8 0
                                    

[Altheah's POV]

(Bzzzzzzt Bzzzzzzzzt)

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa bag ko at kumunot ang noo ko. Sinong nagtext? Boyfriend ko? Eh wala naman akong boyfriend.

Unknown

Altheah, mag meet tayo dun sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Si Nathan nga pala to;)

Medyo napangiti ako dahil sa nabasa ko kaya napansin yun ni Aiken. Agad siyang lumapit sa akin para tingnan ang cellphone ko pero nilayo ko ito sa mukha niya.

"Ano na naman bang kagagahan yan dora?"

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi ako sumagot. Mabuti naman at nagtext si Nathan ngayon na sobra akong nag aalala para sa akin at para sa pamilya ko. Kahit na papaano gumaan na ang loob ko.

"Nothing."

Tipid na sagot ko kaya kumunot ang noo niya habang nakatingin parin sa akin.

"Anong nothing? Eh kitang kita ko kaya yang ngiti sa mukha mo. Altheah, pinagpalit mo na ba ako?"

Gago to. Napalingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

Eh sino ba namang normal na tao ang hindi sasaya kung itetext sila ng crush nila?

Tinalikuran ko si Aiken at nireplyan ko si Nathan. Opportunity ko na tong magka first boyfriend kaya hindi ko na to papalampasin.

Altheah:

Sure! Pero, pano mo nga pala nakuha ang number ko?

Unknown

Somewhere......

Altheah:

Saang SOMEWHERE??

Unknown:

Somewhere here in my heart......

Hehehehe. Medyo kinilig ako dun pero hindi ko yun ipapahalata.

Altheah:

Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo din ako ng maayos.

Unknown:

It doesn't matter kung saan ko nakuha ang number mo. Busy pa ako. Nag re ready pa ako para sa first date natin. I will pick you up this 6 pm.

HA?!

"DATE???!!!!!"

Nasigaw ko yun bigla kaya nagulat ang mga tao sa paligid ko, kabilang na din si Rhaine. Napalingon ako sa kanila at nginitian ko nalang sila ng pilit.

Maya maya ay nagulat ako nang biglang hinablot ni Aiken ang cellphone ko at binasa yung text ni Nathan. Aba at——

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon