☁︎ CHAPTER 91 ☁︎

111 4 0
                                    

[Aiken's POV]

"HOY! Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo takbo ng takbo! Napapagod na ako!"

Tumigil na kami ni Altheah sa kakatakbo at napaupo kami sa gilid ng daan habang humihingal.
Nakakapagod kasi. Maya maya ay tumingin siya sa akin kaya napatingin narin ako sa kanya.

"Bakit ka tumakas? Baka mapahamak ka na naman niyan. Okay lang naman ako na malayo ka sa akin as long as ligtas ka....."

Sabi niya at iniwasan niya ako ng tingin. Napangiti ako dahil napansin kong concerned talaga siya sa akin.

"Mas gugustuhin ko pang mapahamak basta magkasama tayo kaysa naman kung ligtas nga ako pero wala ka naman sa piling ko...."

Natawa siya dahil sa sinabi ko pero nginitian ko nalang din siya ulit.

"At nagawa mo pa talagang bumanat. Tsk...."

Inirapan pa niya ako pero hinila ko na naman ang kamay niya at tumayo ulit kami. Bago pa man siya makapagsalita ay hinila ko na naman siya habang tumatakbo parin ako.

"SAAN NA NAMAN BA TAYO PUPUNTA HA BAKLA!" Inis na inis na sigaw niya.

"Wag ka ngang sigaw ng sigaw! Baka kung ano pa ang iisipin ng mga tao!"

Sabi ko at tinuro ko yung mga tao na sinisilip na kami mula sa mga bintana nila. Ang ingay kasi namin habang tumatakbo kasi reklamo siya ng reklamo.

Sumunod nalang din siya sa sinabi ko at tumahimik na nga siya. Papunta nga pala kami ngayon sa bahay nila. Wala kasi akong maisip na ibang pupuntahan bukod doon kaya doon nalang kami pupunta.

Nang nakarating na kami dito ay binitawan ko na ang kamay niya at alam kong nagtataka siya kung bakit ko siya dinala sa bahay niya. Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Bakit mo ako dinala sa bahay ko? Bakit tayo nandito? Anong gagawin natin?" Pagtatakang tanong niya.

"Ang dami mong tanong...."

Sagot ko at inirapan na naman niya ako pero maya maya ay tumingin ulit siya sa akin.

"Hindi ba tayo papasok? Dito lang ba talaga tayo?"

Tanong niya pero nginitian ko nalang din siya at hinawakan ko ulit ang kamay niya.

"Dun tayo sa kwarto mo. May ipapakita lang ako....."

Agad niyang binitawan ang kamay ko at lumayo sa akin kaya nagulat ako. Bakit—— Ah kaya pala. Ayan na naman yang maduming pag iisip niya.

"Tigil tigilan mo nga yang pag iisip mo ng madumi. May ipapabasa lang ako. I'm sure kasi na hindi mo pa nababasa yung mga letter ko dun para sayo. Atsaka, magmomovie date narin tayo..."

Sabi ko at kinindatan ko pa siya at maya maya ay natawa ako nang napansin kong namumula na ang pisngi niya. Ang cute niya talaga kapag kinikilig.

"Nagbablush ka na naman oh..."

Hinawakan niya ang dalawang pisngi niya at inalis niya ang tingin niya sa akin. Tong dude ko talaga. Hindi ko alam kung bakit pa ba siya nahihiya sa akin eh wala na naman siyang dapat ikahiya kasi kami na.

"Tara na nga...."

Hinawakan ko ulit ang kamay niya at hinila ko siya papasok sa bahay nila. Nang nakapasok na kami ay nakita kami ni yaya pero hindi namin siya pinansin at dumiretso kami sa hagdan paakyat sa kwarto. Papasok na sana kami nang——

"HOY! MASYADO PA KAYONG BATA! ALAM KONG MAYAYAMAN KAYO PERO JUSMEYO NAMAN! MAG ARAL MUNA KAYO NG MABUTI BAGO NIYO GAWIN YAN! AANHIN NIYO BA YANG YAMAN MO KUNG WALA NAMAN KAYONG PINAG ARALAN? HA?!"

Napatigil kami sa kakatakbo at natawa kaming dalawa ni Altheah dahil sa sinabi ng yaya niya.

"Dirty thinker din pala ang Yaya mo katulad mo. Hahahahaha!"

Pang aasar ko kaya tiningnan niya ako ng masama at inirapan niya ulit ako.

"Hindi ako dirty thinker no! Nag iingat lang talaga ako....."

Sagot niya kaya tumango tango nalang din ako at bumaba na kami sa hagdan. Nakita namin si Yaya na parang galit na galit habang nakatitig lang sa amin. At ang malala pa, may hawak pa siyang walis tingting at alam kong kahit anong oras ay pwedeng pwede niya kaming hampasin niyan.

"Yaya, hindi po namin gagawin yang iniisip mo. May gusto lang po talaga akong ipakita sa kanya....."

Mas lalo pang lumaki ang mga mata ni yaya at tinaasan pa niya ako ng kilay sabay tumingin siya sa.... baba.

Ano ba? Hindi yung ano ang ipapakita ko sa kanya! Yung mga letter!

"ANONG IPAPAKITA MO SA KANYA? HA?! MASYADO PANG INOSENTE ANG MGA MATA NG ALAGA KO! MGA KABATAAN NGAYON TALAGA!HAYNAKU!"

Napatabon ako sa mukha dahil sa kahihiyan pero tinawanan lang ako ni Altheah. Tiningnan ko ulit si yaya at nginitian ko siya para mawala ang galit niya.

"Yaya. Ipapakita ko lang po yung mga letter na sinulat ko sa para kanya dati. Gusto ko na nandun ako sa tuwing binabasa yun ng dude ko...."

Sabi ko kaya napahinga ng maluwag si Yaya at binaba na niya ang walis tingting na kanina pa niya hawak hawak.

"Siguraduhin niyo lang na yun lang talaga ang gagawin niyo. Kase pag nahuli ko kayo sa akto, bugbog sarado ka talaga sa akin Aiken..."

Pangbabanta pa ni Yaya at itinaas pa niya ang mga kamao niya kaya natawa na naman kami ni Altheah.

"Wag kang mag alala yaya. Wala talaga kaming gagawin ni Aiken dun. Kung gusto mo pa nga, samahan mo kami...."

Sabi ni Altheah kaya tumango narin ako. Oo nga naman. Napahinga naman ng maluwag si Yaya at tinanguan niya si Altheah.

"Sige! Sasamahan ko kayo dun sa kwarto! Baka kung ano pang kamilagrohan ang gagawin niyo kapag kayong dalawa lang ang nandon!"

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon