☁︎ CHAPTER 79 ☁︎

119 3 0
                                    

[Chrystel's POV]

Nandito parin kami ngayon, naglalakad na. Naghahanap parin kami ng taong mapagtatanungan dito. Eh paano, naliligaw na kasi talaga kami.

Habang naglalakad ako ay nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Mhine. Lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya saka niya hinalikan ang pisngi ko.

        

"Chrystel! Tingnan mo oh! Ang daming langgam! Wahhh!"

Sigaw ni Rhaine kaya nagulat ako. Napatalon ako sa kinatatayuan ko saka ko tiningnan ng maigi ang sahig. Kumunot ang noo ko nang wala naman akong makitang kahit niisang langgam. Anong langgam ang pinagsasasabi nito? Eh wala naman ah.

         

"Hahahahaha! Hindi mo nagets?"

Kumunot ang noo ko at inisip ko ng maigi ang sinabi niya. Maya maya ay nagets ko na ang sinabi niya kaya napailing nalang ako habang iniisip ang ibig niyang sabihin.

          

"Mahirap kasing makagets kase tong Mhine ko. Pero kahit ganito to, mahal ko to....."

Hinalikan ulit ni Mhine ang pisngi ko kaya napangiti na naman ako. Tinaasan lang naman kami ng kilay ni Rhaine at napatingin siya kay Vernon.

           

"Ang haharot niyo. Bilisan niyo nalang nga yang paglalakad niyo diyan!"

Sabi niya at inakbayan siya ni Vernon kaya nagulat at kinilig siya at the same time.

           

"Inggit ka lang sa kanila eh."

Sabi ni Vernon sa kanya kaya natawa ako. Pinalo pa ni Rhaine ang braso ni Vernon habang ang laki parin ng ngiti.

           

"Medyo. Kekeke!"

Luh! Tong gagang to talaga. Mas maharot pa talaga siya kaysa sa akin.

           

"Don't worry. Gagayahin natin yung ginagawa nila VAL....."

Sabi ni Vernon at lumayo na silang dalawa sa amin ni Mhine.

           

"Baliw talaga yung dalawang yun. Bagay talaga sila. Hahahaha!"

Natawa narin ako sa sinabi ni Mhine at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad habang inaakbayan parin ako ng alien ko.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya tinatawag na alien, ganito kasi yun. Parang alien kase ang ugali niya. Tung tipong aakalain mong galing sa outer space dahil sa kawerduhan. Minsan nga nagsasalita pa yan ng iba't ibang lenggwahe na siya lang ang nakakaintindi.

          

"Mhine. Ang tahimik mo ah....."

Lumingon ako sa kanya at nginitian ko nalang din siya.

          

"Bakit? Mas okay pa ngang maging tahimik kaysa sayo na sobrang ingay......"

Sagot ko kaya nginitian ulit niya ako at ginulo pa niya ang buhok ko.

          

"Hindi kaya ako maingay. Madaldal lang talaga ako....."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

          

"Anong pinagkaiba nun?" Pagtatakang tanong ko.

"Basta iba yun. Hahahaha!"

Tumawa siya kaya tumawa narin ako kahit na wala naman talagang nakakatawa. No choice eh, kailangan kong sabayan ang trip niya kasi mahal ko siya.

Maya maya ay tinapik ni Aiken ang braso niya mula sa likod niya kaya lumingon siya sa likod.

          

"Assfgsjsjnsisjdbsjsncjsnja ha?"

Ayan na naman siya. Sabi ko naman sa inyo diba. Siya lang talaga ang nakakaintindi nun.

Hindi nalang ako nakinig sa pinag uusapan nila at maya maya ay nagulat nalang ako nang naghandshake pa sila. Ano kayang pinag uusapan nitong dalawang ugok nato?

         

"Tol. Gawin mo yun ah. Hehehe......" Nakangiting sabi ni Mhine kay Aiken.

"Oo naman tol. Para sa inyo. Hehehehe"

Kumunot ang noo ko. Anong gagawin nila? Anong para sa amin?

Anong——

         

"AHHHHH!"

Biglang may sumipa sa paa ko kaya natumba ako sa kinatatayuan ko. Napapikit ako nang naramdaman kong malapit na akong mahulog sa lupa pero nagulat ako nang may sumalo sa akin.

Hinawakan nito ang likod ko at ang kaliwang kamay ko kaya hindi ako tuluyang natumba. Binuka ko ulit ang mga mata ko at nagulat ako nang nakita ko si Mhine na nakangiti kaya napangiti narin ako. Mabuti nalang at sinalo niya ako kundi baka sugat ang inabot ko.

          

"Hay nako. Alam mo TOP, gasgas na yang style na yan. Mag isip ka naman ng bago!"

Sabay kaming napalingon kay Altheah na katabi lang ni Aiken at tinititigan pa kami ng masama. Killjoy talaga tong bruhildang to. Tumayo nalang ako at binitawan narin ako ni Mhine.

           

"Tol. Mission completed na ba yun?"

Lumingon siya kay Aiken na nakangisi kaya nagtaka ako. Teka? Anong mission completed? Sinadya ba nila yun? Aba tong mga lalakeng to!

           

"Sinadya niyo ba yun?"

Tanong ko kaya tumango naman si Mhine sa akin. Kumunot ang noo ko nang naisip ko ang ginawa niya. Bakit niya ginawa yun? Para saan?

          

"Sorry ah. Napapansin ko kaseng medyo naiilang na tayo sa isa't isa kaya eto. Gumawa ako ng paraan para magkausap naman tayo ng maayos......."

Napatingin ako sa mukha niya na para bang nalulungkot. Alam kong sincere talaga siya kasi nababasa ko yun sa mga mata niya. Naisipan kong mag sorry kasi hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman niya.

           

"I'm sorry din Mhine. Naging busy ako sa studies ko kaya napabayaan ko ang relationship natin. Sorry talaga......"

Sabi ko at nginitian naman niya ako na para bang naiintindihan niya ako saka niya ako niyakap.

           

"Okay lang. I understand....."

Mahinanong sabi niya kaya napangiti ako. Mabuti naman at naiintindihan niya.

"Hoy! Ang haharot niyo! Magsilakad na nga kayo! Paano tayo makakauwi nito kung puro kayo harot?! Pwede bang ipagpaliban niyo muna yan?! HA?!"

Sigaw pa ni Rhaine kaya napairap ako. Binitiwan ko nalang rin si Mhine dahil dun sa gagang sumisigaw na at tumingin ako sa kanya na kaakbay lang din si Vernon habang hinahalikan pa nito ang pisngi niya kaya napairap ako.

Eh ano yang ginagawa nila? Hindi ba harutan din ang tawag nyan?

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon