☁︎ CHAPTER 16 ☁︎

273 11 0
                                    

[Altheah's POV]

"BAKIT KA INUMAGA?!"

Pagpasok ko palang sa bahay namin ay nagulat ako nang narinig ko ang malakas at parang galit na galit na boses ni daddy. Inaabangan na pala ako ni daddy dito sa sala.

"Umm, binantayan ko pa po kasi si Aiken sa hospital. Naisugod po kasi siya dun kagabi....."

Sagot ko pero niliitan lang ako ng mata ni daddy na para bang hindi niya pinapaniwalaan ang sinabi ko.

"Altheah. Nagsasabi ka ba ng totoo?" Paninigurado ni daddy kaya agad akong tumango.

"Opo......"

Sagot ko at tinanguan ko siya ulit. Biglang dumating si mommy galing sa second floor ng bahay namin at tumingin siya sa amin.

"Altheah anak! Nandito ka na pala! By the way Oliver, It's true na naisugod sa hospital si Aiken. May sakit siya na ulcer......"

Luh! Alam niya? Paano niya nalaman? Kanino niya nalaman? Sinong nagsabi sa kanya!

"Mom, alam niyo po ang sakit ni Aiken? Sinong nagsabi sa inyo?" Pagtataka kong tanong kay mommy.

"Of course sweetheart! His stepmom is my old bestfriend!"

Huh? Magkakakilala sila ng babaeng yun? At magbestfriend pa talaga sila nung bruhang yun?!

"Lorie, May appointment tayo ngayon....."

Sabi ni daddy kay mommy habang nakatingin sa cellphone niya kaya napairap ako. Trabaho na naman. Tsk. Maiiwan na naman ako dito ng mag isa.

Tinanguan nila ang isa't isa at sabay silang umakyat sa taas. Naiwan ako sa sala kaya umupo nalang ako sa couch.

Maya maya ay naramdaman kong may dumampi sa paa ko kaya nagtaka ako. Kunot noo ko itong tiningnan pero napangiti ako nang nakita ko kung ano ito.

Si Baby Snow.

Kinarga ko siya at umakyat na kami sa kwarto. Naligo ako at nagbihis saka ako umupo sa kama habang si Baby Snow naman ay nakaupo lang sa dog house niya.

"Sweetheart! Mag breakfast ka na! May work pa kami ng daddy mo! Bye!"

Sigaw ni mommy kaya napairap ako. May trabaho na naman sila. Wala talaga silang oras para sa akin. Napairap ulit ako nang naisip ko yun.

"Okay po!"

Sigaw ko pero wala nang sumagot sa akin kaya alam kong umalis na sila. Ako na naman ang mag isa dito sa bahay. Boring. Bumaba nalang ako ng hagdan para mag agahan.

Wala na naman akong ibang kasama, si yaya lang talaga. Pero hindi naman kami close nun kaya minsan lang kami nagpapansinan.

(Ding dong)

Kakain na sana ako pero nabigla ako ng may nag doorbell. Sino naman kaya yun?

Kumunot ang noo ko at nagtaka ako pero lumabas parin ako ng bahay at binuksan ko ang gate. Tiningnan ko kung sino ito at nagulat ako. Aiken? Teka, nakalabas na siya? Agad agad?

"Ba't ka nandito? Magaling ka na ba?"

Tanong ko at tumango lang siya habang nakangiti parin.

"Oo, magaling na ako. Nakita na kita...."

Haiiissstttt. Kailan ba siya titigil diyan sa mga nakakacringe na banat lines niya?

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon