☁︎ CHAPTER 38 ☁︎

177 8 0
                                    

[Altheah's POV]

Tahimik lang akong nakaupo dito sa kama ko. Nabaling ang atensyon ko sa paligid at tiningnan ko ito ng maigi.

Sobrang laki ng kwartong to, and in fact mas malaki pa nga to sa kwarto ko sa bahay namin. Kaya naman hindi ako gaanong komportable dito.

Maya maya ay may naisip ako kaya napatulala ako. Kamusta na kaya si mommy at daddy ngayon dun sa bahay namin?

        

"You're not comfortable, right?"

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko yung si Athena na may dalang kumot at unan. Nginitian niya ako habang nakasilip siya sa akin kaya nginitian ko nalang din siya.

         

"Oo nga eh. Medyo hindi ako komportable....."

Sagot ko kaya pumasok na siya sa kwarto ko at tumabi siya sa kama ko.

         

"Tabi tayo. ATE......"

Tek——

ANONG ATE!

           

"Ate? Did you just called me ATE?"

Gulat na gulat na tanong ko kaya tumango naman siya sa akin habang nakangiti parin.

           

"Yep. Sabi kasi ni kuya dapat daw na tawagin kitang ate...."

Haiiisssttt.

Yung Aiken na yun talaga.

          

"Talaga? Sinabi niya yun?"

Tanong ko ulit kaya tumango na naman siya sa akin na para bang nang aasar.

          

"Oo. Magiging totoong ate daw kasi kita SOON....."

Aba at——

Medyo nainis ako dahil sa sinabi niya pero hindi ko nalang din yun pinahalata sa kanya at ngumiti nalang rin ako.

          

"Ate, sure ka ba na matutulog ka na? Maaga pa naman oh....."

Napatingin ako sa orasan na nasa kwartong to at tumingin ulit sa kanya. Oo nga. Masyado pang maaga.

          

"Why not kung mag kwentuhan muna tayo? Kwentuhan mo naman ako ATE....."

Haiiissstt.

Naiinis talaga ako sa kanya kapag tinatawag niya akong ate. Hindi kasi ako sanay na tawagin ng ganun. Siguro dahil wala akong nakababatang kapatid.

           

"Kwento? Anong klaseng kwento naman ang gusto mo?"

Tanong ko kaya nag isip isip muna siya bago niya ako sinagot. Maya maya ay napangiti siya at tumingin ulit siya sa akin.

           

"Stories about your life. Ganun...."

Kwento tungkol sa buhay ko? Ano to? MMK? Magpakailanman?

           

"Kwento ng buhay ko?"

Paniniguraod kong tanong at tumango na naman siya sa akin kaya palihim akong napairap. Ayoko sanang gawin yung sinabi niya, pero no choice na ako.

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon