☁︎ CHAPTER 73 ☁︎

136 4 0
                                    

[Altheah's POV]

      

"Dude. Gising na. Umaga na....."

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at umupo ako mula sa kinahihigaan ko. Tumingin ako kay Aiken na nakangiti pa habang nakatingin sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Good morning dude. Kasama mo ba ako sa panaghinip mo?"

Inirapan ko na naman siya at tumingin sa labas ng kotse. Nandito parin pala kami. Hindi parin pala kami nakakaalis.

      

"Anubayan. Kaaga aga nagsusungit ka...."

Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakasimangot na habang nakatingin parin sa akin.

      

"Bakit nandito parin tayo?"

Tanong ko sa kanya pero nginitian lang ulit niya ako.

       

"Sinabihan ko na sila ni Vernon kanina na nandito tayo. Kaya papunta na sila ngayon at sasabay nalang tayo sa kanila papunta sa bahay ni lolo at ni lola...."

Sagot niya kaya tumango tango naman ako. Mabuti naman kung ganun. Pero, paano tong kotse niya?

      

"Eh saan mo ilalagay tong kotse mo?"

Tanong ko sa kanya kaya nginitian niya ulit ako bago siya sumagot.

"Edi dito. Walang magnanakaw dito. Puro mababait ang mga tao dito......"

Oo nga pala. Tagadito din ako dati kaya syempre alam ko din yun. Tumango tango ako bilang pagsang ayon.

Maya maya ay may humintong van sa gilid ng kotse nato at nakita namin sila ni Vernon na kumakaway pa sa amin. Bumaba na kami ni Aiken at sumakay na kami sa van nila.

Katabi ko si TOP at si Aiken sa gitnang bahagi ng van. Bale ako ang nasa gitna nilang dalawa. Nasa likod namin si Chrystel na natutulog pa, habang si Vernon at Rhaine naman ang nasa harapan namin.

      

"Hanep ah. Diba kayong dalawa lang ang magkasama kagabi sa loob ng kotse? May nangyari ba? Kwento niyo naman...."

Lumingon kaming dalawa ni Aiken kay TOP at nakita namin siyang nakangisi pa kaya napairap ako. Kung hindi lang sana to boyfriend ni Chrystel baka kanina ko pa to napatay.

Nginitian nalang din siya ni Aiken at tumango siya sa kanya kaya kumunot ang noo ko.

        

"Oo tol. May nangyari kagabi...."

Nagulat ako dahil sa sinagot ni Aiken kaya lumaki ang mga mata ko at napalingon ako sa kanya. Tong baklang to! Tumingin din naman siya sa akin at nginitian niya ako.

        

"Kumain kami at natulog. Yun ang nangyari......."

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon