☁︎ CHAPTER 47 ☁︎

151 7 0
                                    

[Altheah's POV]

"Gising!"

May naramdaman akong malamig sa katawan ko kaya nagising ako. Dahan dahan kong nilibot ang paningin ko at napansin ko na sobrang dilim dito kaya kumunot ang noo ko. Anong klaseng lugar to? Paano ako napunta dito?

"Nasan na ako? Bakit ako nandito?"

Tiningnan ko ng maigi ang paligid pero hindi talaga ito pamilyar para sa akin kaya kinabahan na ako. Anong lugar to?

"Hi, little sister...."

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko yung si Jace na nasa harapan ko lang pala. Oo, si Jace na kapatid ko na siya ring nagtatangka sa buhay naming lahat.

"Kuya?"

Nasabi ko yun bigla kaya kumunot ang mga noo niya. Tumawa lang siya at ngayon ko lang napansin na katabi pala niya si Sarah kaya nagulat ako.

Anong gagawin nila? Papatayin na ba nila ako?

"So, alam mo na pala na may kuya ka? Mabuti naman......"

Tumingin siya sa tabi ng kinauupuan ko kaya napatingin din ako dun. Sobra akong nagulat at lumaki ang mga mata ko nang nalaman ko kung sino ang tinitingnan niya. Mom? Dad? Bakit sila nandito?

Nakagapos sila sa upuan habang may tape sa bibig nila kaya hindi sila makapagsalita. Agad naman silang nilapitan ni Sarah at tinutukan niya sila ng baril sa ulo kaya nagulat ako.

"Anong gagawin ninyo sa kanila?! Pakawalan niyo na sila! Ako nalang ang patayin niyo!"

Tatayo na sana ako para pakawalan sila pero hindi ko yun magawa. Napatingin ako sa inuupuan ko at ngayon ko lang nalaman na nakagapos narin pala ako. Napatingin ulit ako sa kanila at nagpumiglas ako mula sa mga tali ko pero hindi talaga ako makaalis dito.

"Pakawalan niyo na nga ang mga magulang ko! Ako nalang ang patayin niyo! Wag na sila!"

Tinawanan lang ako nilang dalawa kaya kumunot ang noo ko. Aba mga put——

"At bakit naman namin gagawin yun? Sino ka para sumunod kami sayo?"

Mas lumakas pa ang tawanan nila kaya mas lalo ding uminit ang ulo ko. Napatingin ako kay Jace at nakita ko siyang tawa lang ng tawa na para bang tuwang tuwa na nakikita niya kaming nakagapos.

Maya maya ay napatingin siya kay Sarah at tinanguan niya ito habang nakangisi parin. Alam kong may ibig sabihin yun.

"Sarah. Iputok mo na yan...."

Lumaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Sarah na tinututok ang hawak niyang baril kay mom at dad. Agad akong sumigaw pero lumapit sa akin si Jace at tinakpan niya ng tape ang bibig ko.

Napangisi si Sarah at ipinutok na niya ang baril ng dalawang beses kaya pumikit ako para hindi ko makita yun.

Nang napansin kong tumahimik na ang paligid ay ibinuka ko na ang mga mata ko at nakita ko na ang parents kong duguan kaya napaiyak ako. Hindi. Hindi to pwedeng mangyari! Ayokong mawala sa akin ang mga magulang ko! Ayoko!

"Mom! Dad!"

Nagtawanan na naman si Sarah at si Jace kaya mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanila. Mga demonyo! Sarili nilang kaanak pinatay nila!

"Wala kayong mga awa! Bakit niyo pinatay ang mga magulang ko?! Magkamag anak lang tayo pero ganito kayo?!"

Sigaw ko nginitian lang ako ni Sarah na para bang walang pake sa sinabi ko. Kumuha siya ng baril at glue gun mula sa mesa at lumapit sa akin kaya nagtaka ako. Para saan yun? Bakit siya kumuha ng baril at glue gun?

Nilagyan niya ng glue ang kamay ko kaya napapikit ako sa sakit. Sobrang init kasi nito at parang napapaso ang balat sa kamay ko. Maya maya ay idinikit niya dito ang baril kaya nagtaka ako. Anong ginagawa niya? Bakit niya dinidikit ang baril sa kamay ko?

"Tanggalin mo yan Sarah!"

Utos ko sa kanya habang sinusubukan kong alisin ang baril sa kamay ko. Ngumisi lang siya at sabay silang lumabas ng kwarto ni Jace.

Maya maya ay naramdaman kong wala na sila kaya pinutok ko ang baril na nasa kamay ko sa lubid na nakagapos sa akin para makawala ako.

Nang nakawala na ako ay lumapit agad ako kay mom at dad at niyakap ko sila saka ako napaiyak. Ayokong mawala sila. Hindi ko kaya ng wala ang mga magulang ko. Ayoko.

"Mom! Dad! Gumising kayo! Please!"

Napatingin ako sa mukha ni daddy at napansin kong nakabukas pa ang mga mata niya, ganun na din si mommy.

Pareho silang sa ulo binaril kaya naisip kong hindi na sila magtatagal. Napaiyak ulit ako dahil sa sinapit ng mga magulang ko at ng pamilya namin. Hindi ko parin sila binibitawan at kayakap ko parin sila. Ayokong bitawan sila. Ayokong iwan sila.

"WAG KANG GAGALAW!"

Napalingon agad ako sa pintuan ng kwartong to at nakakita ako ng mga pulis na nakatutok ng baril sa akin kaya nagulat ako. Napatigil ako sa kakaiyak at nabitawan ko ang mga magulang ko.

Ano ibig sabihin nito? Ako ang gagawing suspek nila?

"Teka! Mali ang iniisip niyo! Hindi ako ang pumatay sa kanila! Parents ko sila!"

Sigaw ko at mapatingin sila sa baril na hawak ko kaya napatingin din ako sa kamay ko. Bibitawan ko sana ito pero nakadikit talaga ito sa kamay ko kaya hindi ko magawa.

Kaya pala to ginawa ni Sarah, para palabasin niya na ako ang pumatay sa mga magulang ko at makukulong ako.

"Sumama ka nalang sa amin sa presinto....."

Napatingin ako sa pulis na yun at saka ko pa din napansin ang nakabukas na bintana ng kwartong to. Tumingin ulit ako sa parents ko at napapikit ako. Hindi pwedeng magpahuli ako sa mga pulis. Hindi ako ang pumatay sa parents ko kaya bakit ako sasama sa kanila? Tatakas ako dito.

Tumakbo ako patungo sa bintanang yun at tumalon ako dito. Mabuti nalang at hindi ito masyadong malalim kaya maayos akong nakatalon. Tumakbo ako palayo pero hinabol parin ako ng mga pulis.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero nagulat ako nang hinarangan ako ng iba pang mga pulis sa harapan ko. Babalik sana ako sa dinaanan ko pero may mga pulis na rin sa likod.

Wala na akong ibang magawa kaya tinutukan ko nalang sila ng baril habang umiiyak.

"Hindi nga ako ang pumatay sa kanila! Si Sarah at si Jace ang pumatay sa kanila! Bakit ba ako ang hinuhuli ninyo?!"

Sa sobrang panginginig ng mga kamay ko ay aksidente kong naiputok ang baril at tumama ito sa balikat nung isang pulis.

Lumaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa nagawa ko. Napansin kong mas nilalapitan pa ako ng iba pang mga pulis kaya tinutukan ko ulit ng baril ang ibang mga pulis na nasa likod ko.

Maya maya ay naring kong may nagpaputok ng baril sa likod ko at may naramdaman akong bumaon sa binti at tiyan ko kaya napaupo ako. Sinubukan ko pang tumayo ulit pero nandilim na ang paningin ko at unti unti akong natumba sa kinatatayuan ko.

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon