[Altheah's POV]
Hanggang ngayon ay umiinom parin kami ng kape habang hindi parin tumitigil ang ulan. Hindi kami nagkukwentuhan ni Aiken at tahimik na tahimik lang kami habang hinihigop ang mga kape namin.
"Sweetheart! Your cousin is here!" Narinig ko yun mula sa labas kaya napalingon kami dun at nakita ko si mommy.
Nagtaka ako nang napansin kong ang laki laki talaga ng ngiti niya habang lumalapit sa aming dalawa ni Aiken kaya kumunot ang noo ko. Lumingon siya sa may pintuan na para bang may pinapapasok siya sa loob ng bahay.
"Iha! Pasok ka! Don't be shy!"
Maya maya ay may pumasok na babae na sa unang tingin palang ay halatang probinsyana. Nakapalda ito ng abot tuhod at naka formal na tshirt. Wow ah. Ngayon ko lang nalaman na may pinsan pala ako.
Tumingin siya sa palibot ng bahay namin bago pa niya kami mapansin ni Aiken na tahimik lang na umiinom ng kape. Tumingin siya kay Aiken at napako ang tingin niya sa kanya ng ilang segundo.
Lumingon din si Aiken sa kanya pero tiningnan lang niya ito ng saglit at ibinalik na naman niya ang atensyon niya sa pag inom ng kape.
Alam kong nagkakagusto na ang babaeng to kay Aiken. I mean, sino ba namang hindi? Kahit nga sa school namin pinagkakaguluhan siya. Atsaka, kitang kita ko yun sa mga mata ng pinsan ko. Hindi ako tanga.
"Hello, insan......."
Lumingon ako dun sa babae at plastikan akong ngumiti. Ewan ko kung bakit pero kay parte talaga sa akin na ayaw siyang pagkatiwalaan.
"Altheah, she's Sarah. Anak siya ng brother ng daddy mo....."
Ah ganun ba? Pwes hindi ako interesado sa kaniya.
"Hi Altheah! Pinsan ko!"
Lumingon ulit ako sa kanya at nginitian ko siya saka uminom ulit ako ng kape. Alam kong may bahong tinatago ang babaeng to. Nararamdaman ko yun.
Tumingin naman yung Sarah na pinsan ko daw kay Aiken habang may malapad na ngiti.
"Hello......."
Iinom na sana ng kape si Aiken pero napatigil siya nang narinig niyang binati siya nito.
"Hi....."
Tipid na sagot ni Aiken dun kay Sarah. Tumingin sa akin si mommy kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"Sweetheart, tulungan mo muna akong ihanda ang room ni Sarah....." Sabi ni mommy kaya palihim akong napairap.
Since mommy ko siya, wala akong ibang magagawa kundi ang sundin siya.
Tumango nalang ako kay mommy at sabay kaming umakyat sa taas saka pumasok kami sa vacant room ng bahay namin. Tiningnan ni mommy ang paligid ng kwarto at nginitian niya ako.
"Sweetheart, pakikuha nga nung maleta ni Sarah. Busy kasi si yaya mo kaya ikaw nalang ang uutusan ko. Aayusin ko ang mga gamit niya dito......"
Napatingin ako kay mommy at napairap ako. Kahit na isang beses, hindi niya inayos ang mga gamit ko sa kwarto ko dahil wala siyang oras para dun. At ngayon ginagawa naman niya ito sa ibang tao kagaya ni Sarah. Pero hindi niya to magawa sa sarili niyang anak. Anong klaseng magulang siya?
"Sweetheart? Naririnig mo ba ang inutos ko?"
Haiiisssttt.
Altheah ang pangalan ko, hindi Sweetheart.
"Yes mom....."
Sagot ko at bumaba nalang rin ako ng hagdan para kunin yung maletang sinasabi niya kahit na labag yun sa kalooban ko.
Pahakbang na sana ako pero narinig ko ang pag uusap nina Aiken at Sarah kaya kumunot ang noo ko. Parang seryoso kasi talaga ang pinag uusapan nila kaya napagpasyahan ko na huminto at makinig muna sa kanila.
"Pwedeng maging tayo. Mabibigay ko ang lahat lahat sayo......"
Teka, sigurado ako na boses yun nung Sarah. Wala namang ibang babae sa baba kaya sigurado akong siya yun. Ano to? Nilalandi na niya si Aiken? Aba naman! Lumabas din ang tunay na kulay!
Sumilip ako sa hagdan namin para makita sila at napairap ako nang nakita kong tama nga ang iniisip ko. Si Sarah nga yun at nilalandi niya si Aiken.
"Ayoko sayo......" Tipid na sagot ni Aiken.
"Ah ganun ba........"
Sabi ng pinsan ko at lumapit siya sa mukha ni Aiken saka siya ngumisi sa harapan niya.
"Eh sinong gusto mo? Yung Altheah na pinsan ko? Psh. Ang plain nun. Hindi ka sasaya sa kanya....."
Sabi pa nito sabay inayos ang buhok niya at lumipat sa likod ni Aiken. Sabi ko na nga ba. May tinatagong landi at kati tong babaeng to. Hindi ako nagkakamali sa paglalarawan ng isang tao.
"Tigilan mo nga yang ginagawa mo. Baka mahuli ka pa ni Altheah at ng tita mo diyan sa ginagawang kalandian mo...." Sabi ni Aiken na halatang galit na.
"Hindi magagalit yung mga yun sa akin. Mag pinsan kami ni Altheah, at alagang alaga naman ako ni Tita Lorie......."
Sagot ni Sarah kaya napairap ako. Eh ano naman kung pinsan ko siya? Wala akong pake.
"Umalis ka na nga......"
Pagtataboy ni Aiken kay Sarah na parang galit na talaga. Napailing iling ako habang pinapanood ang ginagawa ni Sarah.
"Sweetheart! Ang tagal mo!" Sigaw ni mama mula sa kwarto.
Bumaba na ako sa sala at umarte ako na para bang wala akong narinig sa usapan nila kanina. Napansin kong unti unting nilalayo ni Sarah ang mukha niya kay Aiken. Kanina kasi ay nilalapit niya ang mukha niya kay Aiken habang nag uusap sila.
"Insan, kukunin ko muna ang maleta mo. Aayusin lang namin ni mommy sa room mo......"
Sabi ko at bumalik sa pagiging inosente si Sarah habang nakangiti sa akin. Ginamit ko lang naman yung term na 'insan' para hindi obvious na kumukulo na ang dugo ko sa kanya.
"Okay......." Sagot niya.
Plastikan lang akong ngumiti sa kanya habang kinukuha ang maleta niya para iakyat na sa taas. Dadalhin ko na sana ang maleta niya sa kwarto niya pero pinigilan niya ako kaya nagtaka ako.
"Ako nalang ang mag aayos ng mga to dun...."
Sabi niya kaya tinanguan ko nalang din siya at binigay ko ulit sa kanya ang maleta niya sabay ngiti pa. Kinuha niya ito mula sa kamay ko at inilayo niya yun sa akin. Alam kong may tinatago siya sa maleta niya.
Humarap siya sa akin habang nakangiti parin. At alam kong plastikan lang naman yun.
Ayoko sa mga taong kagaya niya. Yung mga taong plastik at mapagpanggap.
_______________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/172053740-288-k756224.jpg)
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...