[Aiken's POV]
"Babe. Wake up....."
Nang narinig ko ang boses na yun ay nagising ako at dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Napansin kong nasa bahay namin na pala ako kaya nagtaka ako. Paano ako nakapunta dito?
Inalala ko ng mabuti ang mga nangyari kanina kaya naisip ko na kung bakit ako nandito. Kinuha ako ng mga utusan ng stepmom ko.
"Babe...."
Kumunot ang noo ko nang narinig ko ulit ang boses na yun at nagtaka din ako kung sino ang nakahawak sa kamay ko ngayon. Tiningnan ko ito at nakita ko si Kaye na nakangiti kaya agad ko siyang binitawan. Kailan ba niya ako balak na tigilan?
"Babe. Respetuhin mo naman ako. I'm your fiancé!"
Nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya napaupo ako sa kinahihigaan ko. Siya ba ang kaarrange marriage ko?
"Ikaw ang kaarrange marriage ko?"
Tanong mo at tinanguan naman niya ako habang nakangiti parin pero napairap ako. Wag niya akong ngingiti ngitian.
"Oo. Ako nga..."
Sagot niya kaya biglang kumulo ang dugo ko at napairap ulit ako. Nasan na ba yung stepmom ko? Mapapatay ko na talaga yun!
[Altheah's POV]
Nakaupo lang ako ng tahimik dito habang iniisip ko parin kung saan ba pwedeng pumunta si dude. Yung baklang yun kasi eh! Pinag aalala pa niya ako!
"Altheah. Kailangan mong makita to."
Sabi ni Chrystel at pinakita niya sa akin ang cellphone niya. Nang nabasa ko ang news na pinapakita ay napatabon ako sa bibig ko dahil sa nabasa ko.
(Dalawang taong pumatay kay Mrs. at Mr. Patterson, sumuko na....)
Halos maluha ako dahil doon. Hindi ko inaaasahan na makokonsensya sila at susuko din pala sila sa huli. Sobrang saya ko kasi magkakaroon na ng hustisya ang pagkamatay ng parents ko.
"I think kailangan na nating bumalik sa Maynila ngayon. Pupuntahan natin sila...."
Tinanguan ko lang si Rhaine na nasa likod ko lang din pala at nagbabasa rin nung news. Sabay kaming lumabas ng kwarto at dumiretso sa mga kwarto ng mga lalaki para magpaalam saka kami umalis.
Sumakay kami ng bus at tumagal ang byahe namin ng ilang oras. Nakatulog ang mga kasama ko habang nasa magkabilang balikat ko ang mga ulo nila. Ako kasi ang nasa gitna ng kinauupuan nila.
Gusto ko sanang matulog pero wala akong nararamdaman na antok. Iniisip ko parin ang tungkol sa news na nabasa ko at nag aalala parin ako para kay dude. Bakit ba kasi basta basta nalang siya umaalis?
Hindi ko namalayan ang mga oras na dumaan at nagulat ako nang biglang huminto ang bus kaya naisip kong nandito na kami. Agad kong ginising yung dalawang kasama ko at nagsibabaan na kami ng bus.
Sumakay kami ng taxi patungo sa presinto kung saan doon ngayon nakakulong sina Sarah at si Jace. Tumagal ng ilang minuto ang byahe at sa wakas ay nandito na kami.
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng presinto. Kailangan kong kumalma kapag nasa harapan ko na sila. Hindi ako pwedeng pumatay ng tao dito mismo sa presinto.
Nang nakapasok na ako ay pinalabas naman silang dalawa ni Jace at Sarah sa mga selda nila at umupo narin kaming tatlo ni Rhaine at Chrystel. Nang umupo sila sa harapan ng inuupuan namin ay iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanila.
Baka kasi masaktan o mapatay ko pa sila kung patuloy ko pa silang tititigan. Yumuko silang dalawa kaya napatingin ulit ako sa kanila. Maya maya ay inangat ni Jace ang mukha niya at napansin kong umiiyak na siya kaya nagtaka ako.
"Bunso....."
Nagulat ako nang tinawag niya akong bunso kaya lumaki ang dalawang mata ko habang nakatingin parin sa kanya. Totoo ba to? O kung ano ano lang talaga ang naririnig ko?
"Alam kong walang kapatawaran yung ginawa ko. Pero sorry talaga. Nilamon kasi ako ng galit nung iniwan ako ni mommy sa ampunan para pakasalan ang daddy mo. Sorry talaga at napatay ko sila dahil lang dun. Habang buhay ko yung pagsisisihan....."
Sabi niya habang umiiyak parin at nginitian ko lang siya bilang sagot. Hanggang ngayon ay hindi ko parin sila napapatawad dahil sa ginawa nila a year ago kay mom at dad pero alam kong kailangan kong magmove on.
Hindi pwedeng habang buhay ko nalang silang kamumuhian kasi sarili ko lang din ang maaapektuhan kapag patuloy ko paring iisipin ang paghihiganti sa kanila. Sarili ko lang ang malalagay sa panganib kapag hindi ko parin binibitawan ang galit ko.
"Sorry din, insan. Naging traydor ako sayo. Muntik ko nang malagay sa panganib ang buhay mo, tapos napatay ko pa ang parents mo na tita at tito ko lang din. I'm sorry talaga. Sana mapatawad mo kami ng kuya mo......"
Sabi naman ni Sarah at hinawakan niya ang kamay ko habang umiiyak parin. Hindi ko siya tiningnan habang pinipigilan kong lumabas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Naisip ko na patatawarin ko nalang siguro sila ngayon mismo. Nangyari na yun, at alam ko ring masaya na sila ni mommy at daddy kung nasaan man sila ngayon.
Kung hindi ko sila patatawarin, mabubuhay lang ako sa galit at hinanakit. At posibleng makagawa na naman ako ng mga bagay na hindi ko manlang pinag iisipan. Kagaya noong sumali ako sa Black Spade.
Atsaka, lahat naman ng tao ay nagkakamali. Alam kong sobrang bigat ng mga kasalanan nila sa akin pero kahit pagbalik baligtarin ang mundo, pamilya ko parin sila. Kuya ko si Jace, at pinsan ko naman si Sarah.
"Pinapatawad ko na kayo......"
Mahina kong sabi sa kanila habang pinipigilan ko parin ang mga luha ko. Napangiti silang dalawa at tumayo pa sila para yakapin ako kaya napangiti narin ako. Maya maya ay binitawan na nila ako at napansin ko sa mga mukha nila na sobrang saya talaga nila.
Hindi ko alam kung totoo ba talagang nagsisisi na sila. Pero pinatawad ko sila hindi para sa kanila, kundi para sa sarili ko. At para narin sa lahat.
_______________________________
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...