☁︎ CHAPTER 27 ☁︎

201 7 0
                                    

[Altheah's POV]

Lagot na tayo neto.

Maya maya ay laking gulat ko nang biglang hinawakan ni Aiken ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Anong kagaguhan na naman ba ang ginagawa ng baklang to?!

     

"Magdedate kami ng girlfriend ko. Bakit ba?"

Sabi ni Aiken habang nililiitan niya ng mata yung Jace na kuya ko. Anong girlfriend? Sinong girlfriend? Bakit niya ako tinawag na girlfriend? Gusto ba niya upakan ko siya?

      

"But wait, hindi naman kita kilala ah. Bakit mo ako tinatanong kung anong ginagawa namin dito? Sayo ba tong café?"

Tanong ni Aiken kaya tiningnan naman siya ng masama nung Jace kaya kinabahan na ako. Baka magkagulo pa kasi dito. Nakakahiya yun.

        

"Wag mo akong subukang galitin......"

Sabi pa nito pero ngumisi lang si Aiken dahil sa sinabi ni Jace. Napatingin ako sa paligid at napahinga ako ng maluwag nang napansin kong wala namang tao kaya okay lang kahit na magbugbugan pa sila dito.

        

"Tatapang tapangan ka pa, Eh wala ka namang maibubuga. Hindi mo pa ako kilala kaya dapat ako ang wag mong susubukang galitin......"

Sabi pa ni Aiken habang nakangisi parin dun kay Jace. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko mula sa kamay niya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito kaya hindi ko yun magawa. Napairap ako at tiningnan ko ulit siya ng masama.

Maya maya ay tumingin siya sa akin saka kinindatan niya ako at alam may ibig sabihin yun. Medyo nag isip isip ko kung anong ibig sabihin niya at maya maya ay nagets ko na yun kaya tumigil nalang rin ako sa kakahila sa kamay ko.

Alam ko na pala. Nagpapanggap lang pala siyang magdedate kami dito para hindi mahalata ni Jace na sinusundan namin si Sarah.

      

"Tinatanong lang kita ng maayos kung anong ginagawa mo dito. Wag mo akong angasan......"

Pagbabanta ni Aiken kaya napahinga ng malalim si Jace at napatingin siya sa loob ng café. May tiningnan siya doon saglit at pagkatapos ay tumingin ulit siya sa amin.

       

"Sa kabilang café na kayo mag date. Nakareserve na to sa amin......"

Nainis ako sa sinabi nung Jace na yun at tiningnan ko siya ng masama. Bakit niya kami pinapaalis dito? Ang yabang din eh no?

       

"Go...."

Malamig na sabi nung Jace habang tinititigan niya kami ng masama.

       

"Tara, Altheah......"

Hinila ako ni Aiken papasok dun sa katabing café kaya nagtaka ako. Pagpasok namin dun ay umupo na agad kami dun sa vacant seat.

Kakairita! Chance na sana namin yun para mahuli si Sarah at yung Jace na yun!

        

"Bakit tayo umalis dun?"

Tanong ko kaya napatingin sa akin si Aiken at tinaasan niya ako ng kilay. Wag niya akong tataas taasan ng kilay kundi——

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon