[Altheah's POV]
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakakita ako ng liwanag sa itaas ko kaya kinabahan na ako. Nasaan na ako? Patay na ba ako?
"Gising na siya!"
May narinig akong boses na pamilyar kaya napaisip ako. Hindi pa pala ako patay.
Napalingon ako sa mga tao na nasa gilid ng kinahihigaan ko at nakita ko ang mga kaibigan ko. Sina Rhaine, Chrystel, Vernon, TOP, at si Yaya. Tiningnan ako ang paligid ng kwarto para makita ko ang kanina ko pa hinahanap na si Aiken. Nasan na ba siya?
"Altheah! Gising ka na!"
Napatingin ako kay Chrystel at napansin kong tuwang tuwa talaga siya. Nginitian ko lang din naman silang lahat at tumango ako.
"Ilang araw na ba akong hindi nagigising?"
Mahina at malumanay na tanong ko sa kanila at tumawa silang lahat kaya kumunot ang noo ko. Anong tinatawa tawa nila?
"Anong ilang araw? Excuse me? Three weeks and a half kaya kang nakaratay diyan......"
Three weeks? Tatlong linggo? Ang tagal naman nun. Eh parang kahapon lang nga ako nabaril. Dahan dahan akong umupo sa hinihigaan ko at inalalayan naman nila ako. Hindi na kasi masyadong masakit ang sugat ko kaya nakakabangon na ako.
"Nasaan na nga pala si dude?"
Tanong ko sa kanila at nawala ang mga ngiti nila saka yumuko silang lahat kaya nagtaka ako at nag aalala narin. May nangyari ba sa kanya?
"Anong nangyari sa kanya?"
Nag aalalang tanong ko ulit ag nagkatinginan silang lahat sa isa't isa saka sila tumingin ulit sa akin para sagutin ang tanong ko.
"Binaril siya ni Nathan. Sa ulo."
Nagulat ako sa sinabi nila at mas lalo pa nag alala para sa kanya. Iiyak na sana ako pero pinigilan kong tumulo ang mga luha ko. Hindi ako dapat umiyak. Alam ko kasing buhay pa siya kasi nararamdaman ko pa ang presensya niya dito.
"Okay na ba siya? Gising na ba siya?"
Tanong ko at tumango naman silang lahat bilang sagot kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganun. Muntik na akong atakihin dahil sa nerbyos. Ayokong mawala si Aiken mula sa akin. Mahal ko siya. Hindi ko kakayanin yun.
"Oo. Gusto mo na ba siyang bisitahin?"
Tumango lang ako kay Rhaine at lumipat na ako sa wheelchair habang tinutulungan nila ako. Sinamahan nila ako patungo sa kwarto ni Aiken habang mabigat parin ang loob ko. Ewan ko kung bakit.
Si Vernon ang nagbukas ng pintuan kaya nakita ko na si Aiken na nakaupo lang habang may bandage sa ulo. Lumapit ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin. Nginitian ko siya at hinawakan ko ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Teen FictionLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...