☁︎ CHAPTER 67 ☁︎

142 5 0
                                    

[Altheah's POV]

      

"So pano, iiwanan muna namin kayo. May aasikasuhin lang kami tungkol sa bills....."

Sabi nila at sabay sabay pa silang lumabas ng kwartong to kaya kami nalang dalawa ni Aiken ang naiwan.

      

"So, tayo nalang palang dalawa ang nandito......."

Lumingon lang ako kay Aiken at nakita ko siyang nakangiti pero inirapan ko lang siya. Binitawan ko na ang pisngi niya nang napansin kong okay na siya.

      

"Eh ano naman kung dalawa nalang tayong nandito?"

Tanong ko pero ngumisi lang siya sa akin kaya kinabahan na ako. Ibang klase talaga tong lalakeng to. Sobrang lawak ng duality niya. Kaya niyang ibahin ang emosyon niya mula sa pagiging seryoso tungo sa pagiging pilyo in a split second. 

       

"Kung ano man yang binabalak mo, tandaan mo. Nasa hospital tayo. Tong baklang to......."

Sabi ko sabay irap pero tumawa lang naman siya dahil sa sinabi ko kaya napairap ako dahil sa kapilyuhan niya.

       

"Dirty thinker ka talaga. Ang ibig kong sabihin, ano na ang pag uusapan natin ngayon. Umamin ka na sa akin kanina na mahal mo ako diba?"

Inirapan ko lang siya at iniwasan ko siya ng tingin. Kung makatitig kasi..... wagas. Hindi ako sanay na titigan niya ng ganyan.

        

"Wag ka ngang umirap irap diyan. Dukutin ko yang mga mata mo diyan eh....."

Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko ang bandage na nasa ulo niya kaya natawa ako. Mukha kasi siyang Bumbay. Yung nagpapautang na nagpapatubo ng 5-6 na interes. Basta yun.

        

"Anong tinatawa tawa mo?"

Umiling iling ako sa kanya bilang sagot habang tumatawa parin. Maya maya ay nagulat ako nang nilapit niya ang mukha niya akin kaya tumigil na ako sa kakatawa. Ano na naman bang ginagawa niya?

        

"Diba sabi mo nga kanina. Mahal mo din ako?"

Tumingin ako sa mga mata niya na parang seryosong seryoso na naman at agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

         

"Napilitan lang akong umamin nun....."

Sagot ko habang hindi ko parin siya tinitingnan pero napangisi ulit siya habang nakatingin parin sa akin.

"Napilitan ka lang umamin? So ibig sabihin, totoong mahal mo talaga ako. Ganun ba?"

Sabi niya at kinindatan pa niya ako kaya biglang uminit ang pisngi ko pero hindi ko pinahalata yun. Inalis ko ang paningin ko mula sa kanya para maiwasan siya ng tingin. Tong lalakeng to talaga.

          

"Nagbablush ka oh....."

Hinawakan ko ang pisngi ko at inilayo ko ang mukha ko sa kanya habang hindi ko parin magawang tingnan ang mga mata niya.

           

"Aminin mo na kasi. Pareho lang naman tayo ng nararamdaman eh....."

Tiningnan ko siya saglit at na nakita kong nakatitig na naman siya ay saka ako tumingin ulit sa malayo. Hindi ko pa kayang umamin. Eh siya kasi! Titig ng titig!

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon