☁︎ CHAPTER 63 ☁︎

151 9 0
                                    

[Altheah's POV]

      

"Okay ka lang ba na ikaw lang mag isa dito?" Tanong niya sa akin na may halong pag aalala.

"Okay lang ako...." Sagot ko naman sabay ngiti para maisip niyang okay lang talaga ako. .

Nandito kami ni Aiken ngayon sa labas bahay ko dahil hinatid niya ako dito. Ayaw daw kasi niya akong pauwiin ng mag isa kasi baka daw inaabangan ako nung si Kaye.

Hindi naman talaga ako natatakot sa kanya, gusto ko nga sanang bugbugin yung babaeng yun hanggang sa mamatay siya pero hindi ko yun pwedeng gawin kasi nakatingin sa akin si Aiken. Baka magkahalata pa siya sa sekreto ko kapag gagawin ko yun.

"Sure ka? Pwede namang diyan muna ako matutulog ngayon. Kasi alam mo na, hehehehe......."

Sabi niya habang unti unting lumalapit sa akin kaya napaatras din ako. Nginitian ko siya para isipin niyang okay lang talaga akong mag isa sa bahay. Nandito naman si Baby Snow kaya okay lang yun.

         

"Okay lang talaga....."

Sagot ko sa kanya pero hindi parin siya tumitigil kaya atras nalang ako ng atras para makalayo sa kanya. Ano bang ginagawa ng mokong nato?

Umatras lang ako ng umatras hanggang sa nabangga ang likod ko sa pintuan ng bahay namin kaya alam kong wala na talaga akong kawala. Napairap ako nang naisip ko yun. Tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya.

          

"Dude. Ano na naman bang kagaguhan to?"

Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay pero nginitian lang niya ako at kinulong pa niya ako gamit ang dalawang braso niya kaya nagulat ako. Aba anong——

          

"Alam mo ba kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos nito?"

Tanong niya na para bang nang aakit kaya tumayo ang mga balahibo ko at tinitigan ko siya ng masama. Anong binabalak niya?

         

"Hoy! Kung may binabalak kang masama sa akin mapapatay muna kita bago mo yun magagawa!"

Sigaw ko pero tumawa lang siya at lumayo na sa akin kaya napahinga ako ng maluwag. Lumapit siya ng gate kaya agad kong inayos ang sarili ko at hinawakan ko ang pisngi ko na nang iinit na.

Akala ko ay lalabas na siya ng gate pero nilock pala niya ito at lumapit ulit sa akin kaya kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya?

         

"Ayan nakalock na. Wala nang makakakita sa gagawin natin...."

Nang sinabi niya yun ay agad ko siyang tinutukan ng kamao pero tinawanan lang niya ako. Aba gago to ah! Anong sinasabi niyang gagawin namin?

         

"Bakit ganyan ka kung makatingin sa akin? Ang sinasabi kong gagawin natin ay matutulog. Hindi yang dirty na iniisip mo....."

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon