☁︎ CHAPTER 65 ☁︎

139 7 0
                                    

[Aiken's POV]

Nandito na ako ngayon sa dating lugar na nilabanan namin ni Zeusah. Dito namin balak tapusin ang laban namin.

Nang nakita ko na siyang paparating ay sinindihan ko na ang semento ng apoy bilang senyales na nandito narin ako. Hinanda ko ang baril ko habang naglalakad parin siya patungo sa akin at maya maya ay huminto na siya sa harapan ko.

       

"Magsimula na tayo, Hephaestus......"

Sabi niya pero wala parin siyang ginagawa at nakatayo parin siya. Napatingin ako suot niya at napansin kong wala talaga siyang dalang kahit na anong panlaban kaya nagtaka ako.

        

"Magsimula na tayo....."

Lumapit siya sa akin kaya tinutukan ko kaagad siya ng baril bago pa niya ako maunahan. Akala ko ay kukunin din niya ang rifle gun sa likod niya pero napansin ko na hindi niya yun dala dala kaya nagtaka ako.

         

"Iputok mo na yan....."

Napangisi ako at ipuputok ko na sana ito sa kanya para matapos na kaagad ang laban nato pero naalala ko ang sinabi ni Altheah kanina kaya natigilan ako.

        

"Kung ano man ang mangyayari sa akin mamaya, tandaan mong hindi mo yun kasalanan......"

Napatingin ako sa babaeng to at tiningnan ko ng maigi ang mukha niyang natatabunan ng puting maskara. Hindi ko alam kung bakit, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Meron talagang bagay na kataka taka tungkol sa kanya.

          

"Sino ka ba? Magpakilala ka muna tutal mamamatay ka na naman ngayon......"

Tanong ko pero tumingin lang siya sa akin na para bang wala talaga siyang balak na lumabas at umiling iling siya.

          

"Malalaman mo yan pagkatapos mo akong patayin....." Kalmadong sabi niya na mas lalo ko pang ipinagtaka.

"Hindi ka manlang ba lalaban?"

Tanong ko habang hindi ko parin ibinababa ang baril na hawak ko. Mabuti nang sigurado. Hinintay ko ang sagot niya pero umiling iling na naman siya sa akin bilang sagot.

           

"Hindi..." Tipid na sagot niya.

"Bakit?"

Tanong at ibinaba ko na ang baril ko saka ko siya tiningnan ulit ng masama. Sigurado akong may dahilan kung bakit hindi siya lumalaban. May iba siyang binabalak.

            

"Dahil ayoko....."

Sagot niya kaya napangisi ako. Ayaw niyang lumaban? Edi mas mabuti yun. Madali ko lang siyang mapapatay.

Lumapit ako sa kanya at sinipa ko ang binti niya kaya napaupo siya sa sahig. Nilagyan ko na ng karagdagang bala ang baril na kanina ko pa hawak hawak saka ko ito itinutok sa kanya.

             

"Hindi ka ba talaga lalaban?"

Pasigaw na tanong ko kaya umiling iling lang ulit siya sa akin kaya nagtataka na talaga ako. Ibinaba ko ang baril ko at tiningnan ko siya ng maigi. Bakit hindi niya ako nilalabanan?

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon