☁︎ CHAPTER 97 ☁︎

153 4 0
                                    

[Chrystel's POV]

Haaayyy.

Kamusta na kaya ngayon si Altheah? Ilang araw na kaming hindi nagkita ah. Ano kaya kung bisitahin namin siya?

Tumingin ako kina Mhine at Vernon na busy sa kakalaro ng Mobile Legends. Lumingon naman ako kay Rhaine na lumalamon lang sa kusina.

Dito kasi nila napiling tumambay sa dorm namin ni Rhaine kaya pinayagan ko naman sila. Eh hindi ko naman kasi alam na yan lang pala ang mga gagawin nila.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para makuha ang atensyon nila. Agad naman silang napalingon sa akin at tumigil na sila sa ginagawa nila.

"Guys. Bisitahin natin si Altheah ngayon. Mahirap kasi ang pinagdadaanan nila ni Aiken tapos ilang araw narin silang hindi nagpaparamdam. Hindi ba kayo nag aalala sa kanya?"

Sabi ko pero hindi nila ako pinansin at bumalik ulit sila sa mga gawain nila. Aba mga gago at gaga tong mga to ah.

"Kinakausap ko kayo kasi nag aalala na ako kay Altheah. Alam naman natin na may plano yung mommy ni Aiken na ikasal sila ni Aiken at ni Kaye at paniguradong nasasaktan at nalulungkot na si Altheah ngayon. Paano na kung nadedepress na siya? Paano na kung magbigti siya? HA?!"

Napahinto na naman sila sa mga ginagawa nila at tumayo. Mabuti naman at mukhang nakikinig na sila sa sinasabi ko.

"Tara. Nag aalala narin ako para sa kanya...."

Sabi ni Rhaine kaya nginitian ko siya. Sabay kaming lumabas ng bahay at pumasok sa van ni Vernon. Kaming dalawa ni Mhine ang nasa likod ng van at silang dalawa naman ni Rhaine at ni Vernon ang nasa harapan. Pinaandar na ni Vernon ang van at umalis na kami.

"Bakit kaya hindi na nagpaparamdam si Altheah ngayon?"

Napatingin ako kay Vernon na mukhang nag aalala na talaga para kay Altheah.

"I think matutuloy na talaga ang kasal nila ni Aiken at ni Kaye kaya nalulungkot na si Altheah. Alam ko kasi na hindi basta basta ang mommy ni Aiken. Ang gusto niya talaga ang masusunod at hindi ang gusto ng anak niya...."

Sabi ko kaya tumango tango naman si Vernon habang nagmamaneho.

"May mga magulang palang katulad sa mommy ni Aiken? Yung mga magulang na sarili lang ang iniisip at hindi ang kaligayahan ng anak niya. Sobrang selfish kaya nun...."

Sabi naman ni Rhaine na umiiling iling at para bang hindi makapaniwala kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi kasi siya ang totoong mommy ni Aiken kaya talagang magagawa niya yun."

.
.
.
.
.


"Nandito na tayo guys. Bumaba na kayo..."

Nagsibabaan na kaming lahat sa van at nilapitan namin ang gate ng bahay nila ni Altheah. Pinindot ni Vernon yung doorbell at maya maya ay binuksan na nito ng yaya ni Altheah.

"Nandito po ba si Altheah?"

Tanong ko sa yaya niya. Tinanguan lang kami nito at pinapasok na niya kami. Pagpasok namin ay umupo kami sa couch at naghintay kami kung bababa ba si Altheah pero wala naman kaya nagtaka kami.

"Nasan na po si Altheah?"

Tanong ni Rhaine pero nagtaka kami dahil hindi manlang ngumingiti ang yaya ni Altheah. Napansin din namin na may nakahanda pang kaunting tinapay at gatas sa mesa at alam naming kay Altheah sana yun. Anong nangyari kay Altheah?

"Mabuti naman at dinalaw niyo ang alaga ko. Sa tingin ko kasi kayo lang ang makakapagkumbinsi sa kanya na lumabas ng kwarto at kumain. Tatlong araw na kasi siyang naglulugmok sa kwarto at hindi din siya kumakain. Ewan ko din kung bakit hindi pa bumabalik si Aiken. Simula kasi nung umalis si Aiken ay nagkaganyan na siya...."

Kawawa naman pala si Altheah. Napatingin ako sa taas ng hagdan nila. Nandun daw kasi si Altheah sa kwarto niya.

"Gusto niyo bang puntahan si Altheah?"

Tinanguan namin siya at hinatid niya kami patungo sa kwarto ni Altheah. Nang nandito na kami ay napansin namin na sobrang tahimik ng kwarto niya kaya nagtaka kami.

"Altheah? Nandyan ka ba?"

Malumanay na tanong namin. Walang sumasagot sa amin kaya kinatok na namin ang pintuan pero wala parin talagang sumasagot kaya nag alala na kami.

"Buhay pa kaya siya?"

Hinampas ko ang braso ni Mhine pero nag peace sign lang naman siya sa akin. Iniisip ba talaga niyang patay na si Altheah?

"Joke lang. Ang seryoso niyo kasi...."

Inirapan lang namin siya at bubuksan ko na sana ang pinto pero nakalock ito kaya hindi ko yun magawa. Agad naman kaming binigyan ng yaya ni Altheah ng susi para mabuksan namin ang pintuan. Nang nabuksan na namin ito ay agad kaming pumasok at nagulat kami sa nakita namin.

"Altheah?!"

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon