☁︎ CHAPTER 64 ☁︎

147 8 0
                                    

[Altheah's POV]

     

(Bzzzzzzzzzzzzzztttttttttt)
     

(Bzzzzzzzzzzzzzztttttttttt)

Pareho kaming napatingin sa mga cellphone na nasa bulsa namin at kinuha namin ito. Magkasabay palang tumunog ang mga cellphone namin.

       

"Galing ah. Sabay pa talagang nagvibrate ang mga cellphone natin. Sabi ko na nga be eh. Meant to be talaga tayo...."

Sabi ko at kinindatan ko pa siya pero inirapan lang niya ako. Nginitian ko nalang rin siya at tiningnan ko na ang cellphone ko. Binasa ko ang text message na galing kay boss at nawala ang ngiti ko.

        

(You need to finish your fight with Zeusah. You need to kill her right now.....)

Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Hindi ko alam kung bakit. Eh hindi ko nga kilala ang Zeusah na yun.

Napalingon ako kay Altheah at nakita ko siyang  nakatingin parin sa cellphone niya. Napansin ko sa mukha niya parang na kinakabahan na din siya kaya nagtaka ako.

         

"May problema ba? Sino ba yang nag text sayo?"

Tanong ko at lumingon siya sa akin na para bang naiiyak kaya mas lalo pa akong nagtaka. Maya maya ay bigla nalang niya akong niyakap kaya bigla akong naestatwa na para bang hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwalang siya na mismo ang yumakap sa akin.

Kahit na nagtataka ako kung bakit niya ako niyakap ng biglaan ay napangiti parin ako sa ginawa niya at niyakap ko na din siya pabalik.

Maya maya ay binitiwan na niya ako at napansin kong umiiyak na siya kaya nagtaka na naman ako. Anong nangyari? Sinong nagtext sa kanya?

        

"Dude, bakit ka umiiyak? Sino ba yang nag text sayo? Si Nathan ba? Uupakan ko na talaga yan!"

Sigaw ko na may halong galit pero nginitian lang niya ako at pinahiran niya ang mga luha niya.

        

"Wala. Hindi siya no."

Hindi siya? Eh bakit siya umiiyak?

          

"Kung hindi naman pala si Nathan, eh bakit ka umiiyak?"

Tanong ko pero ngumiti lang ulit siya sa akin at niyakap ulit niya ako.

           

"Kung ano man ang mangyayari sa akin mamaya, tandaan mong hindi mo yun kasalanan......"

[Altheah's POV]

Nginitian ko nalang siya para isipin niyang maayos lang talaga ako at binitawan ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Binasa ko ulit ang message na natanggap ko mula kay Sophie at pinigilan ko ang mga luha ko.

           

"Zeusah, sabi ni Nathan na bagong leader ng gang natin ay kailangan mong patayin ang huli mong nakalaban para tuluyan ka nang makalaya sa samahan natin. Si Hephaestus....."

Tuluyan na akong napaiyak dahil sa nabasa ko pero hindi ko yun pinahalata kay Aiken. Ayokong makita niya akong umiiyak.

           

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon