☁︎ CHAPTER 57 ☁︎

160 8 0
                                    

[Altheah's POV]

"Altheah! Nandito na si Aiken! Bumaba ka diyan!"

Dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko nang narinig ko yun. Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan ko ang paligid. Nakatulog pala ako kanina.

Hihiga na sana ako para matulog ulit pero nawala ang antok ko nang biglang may bumukas ng pintuan ko at nakita ko dito si Aiken na ang laki ng ngiti kaya nagulat ako. Umupo siya sa tabi ng kinauupuan ko kaya dali dali akong lumayo sa kanya.

Nandito na siya ulit. Hindi pa sana ako handang harapin siya bilang si Altheah, pero kailangan. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya at nginitian ko siya.

"Welcome back Altheah! Namiss kita!"

Sigaw niya at yayakapin na sana ako pero nilakihan ko kaagad siya ng mata kaya hindi niya natuloy yun.

"Sinabihan ba kita na pumasok dito? Hindi mo na ba naaalala yung mga rules ni daddy dati? Sige ka, baka mumultuhin ka nun!"

Pananakot ko pa sa kanya pero nginitian lang niya ako na para bang nakangisi.

"Hindi yun magagalit. Kung gusto mo pa nga, gawin na natin ngayon eh. Hehehe......."

Sabi niya sabay ngumisi pa kaya kinilabutan na ako. Lumayo ako sa kanya pero nilalapitan parin niya ako na siyang ikinainis ko. Ano na naman bang kagaguhan ang gagawin mo Aiken Emerson?

"Anong gagawin natin? HA? Gusto mo bang patayin kita?"

Sabi ko sa kanya habang tinututukan ko siya ng kamao ko pero tinawanan lang niya ako. Anong tinatawa tawa niya?

"Dirty minded ka parin pala hanggang ngayon. Ang ibig kong sabihin, gawin na natin yung inuutos ng yaya mo na maglinis nitong bahay. Uuwi muna daw kasi siya ng probinsya kasi isang taon na siyang hindi nakakauwi dun....."

Napatigil ako at nawala ang inis na nararamdaman ko. Yun lang naman pala. Ibinaba ko na ang kamao ko at nginitian ko siya.

"Sabi ko na nga ba eh. Nagpapanggap ka lang nung isang araw na hindi ikaw si Altheah! Sa tingin mo ba hindi na kita makikilala?"

Sabi niya habang tumatawa pa kaya natawa na rin ako kahit na wala naman talaga akong ganang tumawa. Maya maya tumigil siya sa kakatawa nang napansin niya ang eyepatch na nasa kanang mata ko. Nawala din ang ngiti ko nang napansin kong itinuro niya ito.

"Anong nangyari diyan?"

Hindi ako nakasagot sa kanya at natahimik ako. Nag isip isip ako kung anong isasagot ko sa kanya habang pinipigilan kong ipakita ang kaba ko. Baka malaman pa niya na ako ang nakalaban niya last day.

"Wala. Aksidente lang."

Pagsisinungaling ko pa sa kanya. Tumango lang siya na para bang paniwalang paniwala kaya napahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at mukhang naniniwala siya sa pagsisinungaling ko.

"Tara, bumaba na tayo."

Sabi ko kaya tinanguan niya ako saka siya tumayo. Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ako pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Napatigil ako sa paglalakad at kununot ang noo ko. Anong ginagawa niya?

"Hoy bakla. Anong ginagawa mo?"

Tanong ko sa kanya pero hindi parin niya ako binibitawan kaya hindi parin ako gumagalaw. Maya maya ay pinaharap niya ako at hinalikan pa niya ang labi ko kaya mas lalo pa akong nagulat. Anong ginagawa niya?

Agad ko siyang itinulak palayo kaya nagulat siya sa ginawa ko. Tiningnan ko siya ng masama at naisip ko yung babaeng kasama niya kanina. Sigurado akong girlfriend niya yun. At ayokong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila.

"Bakit mo ginawa yun? Diba may girlfriend ka na?"

Tanong ko kaya napatigil siya saka siya yumuko sa harapan ko.

"Hindi ko siya mahal....."

Seryoso niyang sagot sa akin kaya nagtaka ako. Kung hindi naman pala niya mahal yung babaeng yun, bakit naging sila?

"Atsaka, wala naman akong ibang minahal eh. Ikaw lang talaga....."

Patuloy pa niya kaya napatingin na naman ako sa mga mata niyang sobrang seryoso talaga habang nakatitig sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ulit ako.

"Altheah, kayo na ba talaga ni Nathan?"

Tanong niya sa akin habang hindi parin niya binibitawan ang kamay ko. Napaisip ako ay tinanguan ko nalang siya.

Kahit alam kong masasaktan siya, kailangan ko paring sabihin sa kanya ang totoo. Dahil alam kong mas masasaktan lang siya kung magsisinungaling ako sa kanya.

"Oo. Kami na...."

Nang sinabi ko yun ay agad niyang binitawan ang kamay ko at nilayuan na niya ako na para bang hindi niya ako nakikita. Nakaramdam ako ng konsensya habang nakatingin sa kanyang pinipigilan ang mga luha niya.

"Sorry. Nasaktan kita....."

Mahina kong sabi sa kanya kaya tiningnan na niya ako. Tinitigan niya ako ng saglit at tumingin ulit siya sa malayo saka tuluyang tumulo ang mga luha niya.

"Bakit ka pa ba bumalik kung sasaktan mo lang naman pala ako ulit?"

_______________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon