[Aiken's POV]
Nandito parin kami ni Altheah ngayon sa likod ng classroom namin habang nakatulala. Inaalala lang namin yung mga masasaya at malulungkot na alaala na pinagdaanan namin dati.
"Ang bilis talaga ng panahon no? Yung mga hirap na dinanas natin noon, kwento nalang para sa atin ngayon...."
Sabi ni Altheah kaya napalingon ako sa kanya at tinanguan ko siya bilang sagot.
"Oo nga..."
Sagot ko naman at tiningnan ko ulit ang araw na papalubog na. Maya maya ay napansin ko na parang may iniisip si Altheah kaya kumunot ang noo ko at tiningnan ko siya.
"Siyanga pala, malayo na tayo sa Maynila diba? Saan tayo matutulog?"
Tanong niya pero nginitian ko lang siya. Yun pala ang iniisip niya.
"Edi doon sa lola at lolo ko. Siguradong matutuwa sila kapag makikita na nila ulit ang napakagwapong apo nila. Ilang taon narin kasi akong hindi nakaka bisita dun....."
Tinawanan lang naman niya ako kaya medyo nainis ako. Napailing iling ako dahil sa reaksyon niya at inayos ko nalang ang buhok ko. Bakit ba kasi hindi nalang niya tanggapin na gwapo talaga ako?
Maya maya ay tumayo siya mula sa kinauupuan niya maya nagtaka ako. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko siya na inaabot ang kamay niya na habang nakatingin sa akin.
"Tara, magpahinga na tayo."
Sabi niya kaya tinanguan ko siya at sabay kaming lumabas ng eskwelahan habang hawak hawak ko ang kamay niya. Pumasok na kami sa kotse ko at inayos ko muna ang seatbelt niya bago ko inayos ang sa akin.
"Thank you...."
Nginitian ko lang siya sabay tango bilang 'you're welcome' at nagsimula na akong magmaneho.
"Malayo pa ba yung bahay ng lolo at lola mo?"
Tanong niya kaya umiling iling ako bilang sagot habang nakangiti parin.
"Malapit na. Mga ilang kilometro nalang siguro......"
Nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Bakit siya nagulat? Anong nakakagulat sa sinabi ko?
"Anong malapit? Ang layo pa kaya nun!"
Nginitian ko nalang naman din siya at hindi ko nalang siya sinagot. Kalmado lang akong nagdadrive pero maya maya ay biglang huminto ang kotse ko dito mismo sa lugar na walang kabahay bahay sa paligid kaya nagtaka kami.
Napatingin kami sa isa't isa habang nakakunot ang mga noo namin. Bakit huminto ang kotse ko? May sira ba to?
"Anong nangyari?"
Tiningnan ko siya saglit at pinaandar ko ulit ang kotse ko pero hindi na talaga ito umaandar. Lumabas ako para icheck ang gulong nito at nakita kong nabutas pala ito kaya napakamot ako sa batok ko.
Bakit ngayon pa? Saan na kami matutulog nito? Malayo pa yung bahay ng lolo at lola ko kaya hindi namin yun pwedeng lakarin. Tapos wala pang kabahayan sa kalsada nato.
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Dla nastolatkówLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...