☁︎ CHAPTER 9 ☁︎

365 18 1
                                        

[Altheah's POV]

Nandito ako ngayon sa cafeteria, tahimik na kumakain. Wala kasi si Rhaine kaya ako lang mag isa dito.

Maya maya ay nagulat ako nang biglang may nag lagay ng tray sa harapan ko. Sino ba tong——

"Sarap ng kain mo ah......"

Inangat ko ang paningin ko at nakita ko na si Aiken pala yun. Tiningnan ko lang naman siya ng masama at inirapan ko pa siya.

"Bakit ba ang hilig hilig mong mang istorbo sa akin?" Tanong ko pero nginisihan lang niya ako.

"Wala lang. Masarap ka kasing istorbohin dahil madali kang mapikon......"

Sagot niya at inirapan ko na naman siya pero hindi ko nalang din siya pinansin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko para kahit papaano ay hindi ako mabwiset sa kanya. Maya maya ay may nilagay siya na juice sa tray ko at kinuha niya ang coke ko na siyang ipinagtaka ko.

"Wag kang masyadong mag coke. Masama sa kalusugan yan....."

Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ng maigi ang juice na binigay niya. Naninigurado lang. Baka kasi may hinalo siya dito.

"Wala yang halong lason o gayuma. Malinis yan......"

Sabi niya at kumain narin siya. Maya maya naman ay may nilagay na naman siya sa tray ko na mga gulay kaya kumunot ulit ang noo ko. Ano bang ginagawa niya?

"Dapat kumain ka rin ng gulay. Mahirap na kung magkakasakit ka......."

"Ano bang pake mo?"

Singhal ko kaya natahimik siya habang nakatingin parin sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Pasalamat ka nga at sinasabihan kita. Tapos pagsusungitan mo pa ako......."

Sabi niya at tatayo na sana siya para lumipat ng ibang upuan pero pinigilan ko siya kaagad kaya napatigil siya.

"Wag ka nalang lumipat. Wala nang bakante......."

Sabi ko kaya tiningnan niya ang paligid nitong cafeteria. Nang napansin niyang wala na nga ay umupo nalang siya ulit sa kinauupuan niya kanina at napansin ko na iniiwasan na niya ako ng tingin.

Siguro nasaktan talaga siya nung tinarayan ko siya. Naiinis ako sa kanya, pero mas naiinis ako sa sarili ko kapag nakakasakit ako ng damdamin ng iba.

"Sorry......."

Sabi ko pero hindi parin niya ako pinapansin at kumakain parin siya na para bang walang naririnig. Nag isip ako ng ibang paraan para pansinin na niya ako pero wala naman akong maisip.

"May ulcer ako........."

Susubo na sana ako pero napatigil at nagulat ako sa sinabi niya. Talaga?

"Ayaw kong nakikitang nagkakasakit ang ibang tao. Kaya nga sinasabihan kita na alagaan ang kalusugan mo diba......"

Sabi niya habang seryosong seryoso kaya palihim akong napangiti. Kaya pala parang puro healthy ang pinapakain niya sa akin ngayon.

Akala ko gago lang siya. Mabait din naman pala siya.

"Kaya ikaw, dapat alagaan mo yang kalusugan mo. Dapat ka ngang magpasalamat kasi wala kang sakit. Ang swerte mo......."

Wow ah. Ang bait niya ngayon. Ngumiti na siya sa akin habang kumakain kaya napangiti narin ako.

"Kainin mo na yang gulay......"

Nginitian ko nalang din siya at sinunod ko nalang din ang sinabi niya. Kinain ko nga yung gulay na inilagay niya sa tray ko kaya napangiti siya.

"Good girl......" Tong lalaking to.

"Wag mo nga akong magood girl good girl. Baka ipalamon ko pa tong tray sayo......"

Pagbabanta ko pero tumawa lang siya habang nakatingin parin sa akin.

"Kahit kailan, ang cute mo talaga Altheah......"

Hello? Normal lang sa akin ang pagiging cute.

"Wag kang mambola......" Pagpapakipot ko pa kaya natawa siya.

"Hindi kita binobola. Cute ka talaga. Ilang beses na kitang sinabihan niyan pero hindi ka parin naniniwala......."

Napangiti ulit ako pero nawala din yun nang bigla kong naalala ang sakit niya. Grabe. Diba malalang sakit yung ulcer? Eh nakakamatay ata yun eh.

"Kailan ka simulang nagkaulcer?"

Tanong ko kaya tiningnan niya ako habang nakangiti parin.

"Sagutin mo ang tanong ko, hindi yang ngingiti ngiti ka lang dyan......" Sabi ko habang nakataas ang kilay ko.

"Nung bata pa ako......"

Sagot niya kaya tumango tango naman ako. Ang bata bata pa niya tapos may sakit na siya.

"Hanggang ngayon ba hindi pa talaga yan nagagamot?" Tanong ko ulit.

"Oo..........."

Sagot niya kaya tumango tango na naman ako dahil sa sinabi niya.

"Ano bang pakiramdam ng may ulcer?"

Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko at tumingin ulit siya sa akin.

"Bakit? Gusto mo bang maramdaman?"

Tanong niya kaya umiling iling lang ako bilang pagtanggi. Ayoko kaya.

"Hindi no. Nagtatanong lang. Siyanga pala, paano ka nagkaulcer?"

Tanong ko ulit kaya ngumiti na naman siya at tumigil muna siya sa ginagawa niya.

"Minaltrato kasi kami ng stepmom ko at hindi niya kami pinapakain ng kapatid ko. Kaya naisipan ko na pumunta ng America dun sa tito at tita ko. Dun ko narin ipinaayos tong mukh——"

Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin siya sa akin na parang seryosong seryoso kaya nagtaka ako.

"Tapos? Tapos ano?" Tanong ko.

"Tapos..... secret! Hindi mo na dapat pang malaman yun...."

Nainis na naman ako sa kanya. Haiiisstt. Gusto ko pa sanang marinig yung kwento niya eh. Parang interesado pa naman.

"May mga bagay talaga na dapat maging pribado."

Napangiti ulit ako ng bahagya. Tama nga naman siya. Kakain na sana ulit ako pero napansin ko na nakatitig lang siya sa akin kaya nagtaka ulit ako at napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Pagtatakang tanong ko.

"Altheah, naiinis ka pa ba sa akin?"

Nawala ang ngiti ko. Oo nga no.

Minsan naiinis ako sa kanya. At minsan din natutuwa naman ako sa kanya.

Pero sigurado ako na masaya at natutuwa ako habang kasama siya ngayon.

________________________________

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon