☁︎ CHAPTER 50 ☁︎

172 7 0
                                    

[Altheah's POV]

"So, siya ba yung sinasabi mong sasali sa atin?"

Napatingin ako sa babaeng humarang sa amin habang papasok na sana kami sa hideout nila. Grabe. Ang dami niyang dalang baril sa pantalon niya at meron din siyang katana sa likod niya.

"Oo......"

Sagot ni Nathan at tiningnan ako nung babae mula ulo hanggang paa kaya palihim akong napairap. Haiiissstttt. Ayaw ko talagang tinitingnan ako ng ganyan.

"Bakit? May problema ba sa kanya?"

Tanong ni Nathan dun sa babae at tinanguan siya nito kaya kumunot ang noo ko. Anong problema akin?

"Oo.... Masyadong inosente ang mukha niya."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Natahimik naman si Nathan at lumingon siya sa akin.

"I'm just kidding. Pasok kayo......."

Sabi nung babae at pinapasok na niya kami sa loob. Ang dilim dito. May mga tao pa kaming nadaanan na ang sama sama ng tingin sa amin. Siguro, kasali din sila sa gang nato.

Nakarating na kami dito sa hideout nila. Underground dito kaya naman tagung tago ito. Pumasok kami ni Nathan kanina dun sa maliit na tunnel pababa dito. Kaya pala walang masyadong nakakaalam ng gang na to kasi tagung tago ang hideout nila.

"Okay ka lang ba dito?"

Napalingon ako kay Nathan at tinanguan ko lang siya habang naglalakad parin kami.

"Oo. Okay lang ako....."

Sagot ko at tumango lang siya habang nakangiti. Napangiti narin ako pero agad yung nawala nang naalala ko kung paano namatay ang mga magulang ko. Napapikit ko at pilit kong pinalakas ang loob ko. Kailangan kong magpapatatag. Kailangan ko silang ipaghiganti.

Huminto yung babae sa harapan ng isang pintuan kaya napahinto narin kami ni Nathan at naputol ang pag iisip ko.

"So, Altheah Patterson, dito ang room mo. Pasensya ka na dahil may kashare ka diyan. But don't worry, babae din ang makakasama mo......"

Sabi niya at nginitian ko siya ng bahagya saka ko siya tinanguan bilang paggalang.

"Thank you Ms.——"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may napagtanto ako. Oo nga pala, hindi ko pa alam ang pangalan niya. Paano ko ba siya tatawagin?

"Just call me ICE....." Sabi niya habang nakangiti kaya nginitian ko nalang rin siya.

"Thank you ICE......"

Pagpapasalamat ko sabay nag bow pa ako sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

"Wag kang masyadong mabait. At mas lalong wag mong kalilimutan kung nasan ka na ngayon at kung ano ang pinasok mo....."

Sabi niya at umalis na siya kaya napatulala ako. Oo nga. Sobrang delikado ng ginagawa ko ngayon. Natauhan ako at ngayon ko lang nalaman ang ginagawa ko. Altheah, ano tong pinasok mo?

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon