[Altheah's POV]
"Aiken......."
Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Busy pa rin kasi siya sa kakakain niya kaya nainis ako. Takaw talaga nitong baklang to.
"Dude......"
Lumingon na siya sa akin kaya nginitian ko na siya. Nakapag isip isip na kasi ako. Sasagutin ko na siya. Gusto kong maging kami na. Naguguluhan na din kasi ako kung ano nga ba kami.
"Oo....."
Kumunot ang noo niya habang ngumunguya parin na para bang hindi niya ako naiintindihan.
"Anong oo?"
Tanong niya kaya nainis na naman ako. Tong baklang to.
"Diba nanliligaw ka sa akin?"
Tumango na naman siya habang ngumunguya parin kaya napairap ako. Haiiissssttt. Nguya siya ng nguya kaya hindi niya tuloy naiintindihan ang sinasabi ko!
"Tapos?" Tanong niya habang nagtataka parin.
"Oo yung sagot ko dun....."
Nilunok na niya yung nginunguya niya at maya maya ay kumunot na naman ang noo niya. Nag isip isip siya saglit at para siyang naestatwa saka niya ako tiningnan ulit na namimilog ang mga mata.
"Altheah. Sinasagot mo na ba ako?"
Tanong niya kaya tinanguan ko naman siya bilang sagot. Napatayo siya at nagtatatalon pa kaya nagulat ako. Hala! Anyare sa kanya?
Hindi parin siya tumitigil sa kakatalon habang sumisigaw pa kaya natawa ako. Anong ginagawa niya?
"Kami na ni Altheah! Wohhoooo!"
Natawa ulit ako sa reaksyon niya at napailing iling ako. Grabe. Sobrang saya talaga niya. Pwede bang kumalma muna siya?
"Dude! Umupo ka nga dito!"
Utos ko kaya sumunod naman siya kaagad sa sinabi ko at lumapit sa akin habang ang lapad parin ng ngiti. Maya maya ay nagulat ako nang bigla niya akong niyakap pero binitiwan naman niya ako kaagad saka siya bumalik sa kinauupuan niya.
"Dude seryoso ka ba? Tayo na? As in? As in girlfriend na kita? Tapos boyfriend mo na ako?"
Tinanguan ko nalang din siya kaya tumayo na naman siya at nagtatalon ulit. Pipigilan ko na naman sana siya pero hindi ko na yun nagawa dahil hindi ko na siya kayang pigilan. Sana pala hindi ko nalang siya sinagot. De joke lang.
Maya maya ay napagod na siya sa kakatalon niya at umupo ulit sa upuan niya habang nakangiti parin.
"Dude. May itatanong lang sana ako sayo...."
Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Huh? Ano na naman ba yang itatanong niya?
"Anong call sign natin? Yung ibang maggirlfriend at magboyfriend meron kasi silang ganun. Hehehe."
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Fiksi RemajaLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...