[Rhaine's POV]
Kanina pa tulala si Altheah. Siguro ang dahilan nun ay ang sinabi ko sa kanya kanya na siya ang pinakaunang babaeng nagpaiyak kay Aiken.
Nalaman ko yun dahil kay Sarah. Kinuwento niya ang lahat sa akin bago nila ako tinangkang patayin. Akala siguro niya, mapapatay niya ako sa araw na yun kaya ibinulgar na niya ang sekreto niya tungkol sa nakaraan.
Nagkita na sila ni Aiken at Altheah nung eleven years old palang sila, nasa middle school palang sila nun. Walang ibang kaibigan si Altheah nun bukod kay Aiken, kasi weirdo siya sa paningin ng iba. Palagi siyang nakasuot ng eyepatch sa mga maya niya dahil malalang sakit niya.
Habang si Aiken naman ay palaging nakamask at nakahoodie sa school nila. Ang dahilan nun ay nasunog ang kabilang bahagi ng mukha niya nung bata pa siya. Naaksidente sila ng magulang nila kaya naulila rin siya.
Magkatabi lang sila ng classroom kaya araw araw silang nagkikita. Pareho silang naging first love ng isa't isa. Kaya naman nang nalaman ni Sarah yun, sobra siyang nagalit dahil gustong gusto niya si Aiken kahit na pangit ang panlabas na anyo nito.
Naging friends sila ni Altheah sa loob ng dalawang buwan, bago umalis si Aiken papuntang States para magpasurgery.
Oo naging magkaibigan nga sila pero hindi pinaalam ni Aiken ang pangalan niya kay Altheah. Gusto niya na pagbalik niya mula sa States ay walang alam si Altheah na siya si dude na minahal niya dati. Gusto niyang mahalin siya nito bilang si Aiken, hindi bilang si dude.
Kaya ngayon, hindi alam ni Altheah na nasa harapan lang pala niya mismo ang first love niya.
Gusto ko na sanang ibulgar ang lahat ng to pero ayokong makisawsaw sa kanilang dalawa. Kaya ngayon, hihintayin ko nalang na ang tadhana na mismo ang magpapalabas ng sekretong yun.
[Altheah's POV]
Haiissstt.
Maraming beses ko nang nasaktan si Aiken. Nagi guilty na talaga ako tungkol dun. Palagi ko nalang talaga siyang nasasaktan. Bakit ba kasi ang sakit sakit ko magsalita?
"Altheah, okay ka lang?"
Napalingon ako kay Rhaine at umiling iling ako. Hindi ako okay. Namomroblema na ako ngayon kung paano ako magsosorry at hihingi ng tawad kay Aiken.
"Nasan na kaya ngayon si Aiken?"
Napatingin ulit ako kay Rhaine na mukhang nag aalala na. Oo nga. Saan na kaya yun pumunta ngayon?
Tahimik lang kaming nakaupo at maya maya ay bumukas ang pintuan kaya napalingon kami ni Rhaine doon at nakita ko ang parents niya. Kahit ngayon ko lang sila nakita ay alam ko nang parents sila ni Rhaine kasi pare pareho ang mga mukha nila.
Naisipan ko na bigyan sila ng privacy as a family kaya nagpaalam muna ako kay Rhaine na lumabas at pumunta sa rooftop.
"Rhaine aalis muna ako. Magpapahangin lang ako. By the way, sasabihin mo ba sa parents mo ang dahilan kung bakit ka nandito?"
Tanong ko habang nag aalala pero ngumiti lang siya saka siya umiling iling.
"Hindi no. Kapag sasabihin ko yun paniguradong ililipat na naman nila ako ng eskwelahan. Ayoko na kayang lumipat."
Sagot niya kaya napangiti ako. Ayoko rin kasi na sabihin niya ang tungkol dito sa mga magulang niya, na napahamak siya dahil sa akin at sa pinsan ko. Kakaunti lang nga ang mga kaibigan ko dito mawawalan pa ako ng isa?
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Fiksi RemajaLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...