☁︎ CHAPTER 12 ☁︎

318 15 0
                                    

[Altheah's POV]

Haaaayyyy. Sa wakas nakauwi narin.

Dumapa ako sa kama ko kahit na hindi pa ako nagbibihis. Pagod na pagod pa ako dahil sa kakasigaw dahil sa kaabnormalan nina Aiken at Nathan kaya mamaya na siguro ako magbibihis.

"Sweetheart!! I have a gift for you!" Sigaw ni mommy mula sa baba kaya nagtaka ako. Gift? Regalo?

Bumangon ako mula sa kinahihigaan ko at bumaba ako sa sala. Anong regalo naman kaya yun?

"Altheah!"

Nakita ko si mommy na may dalang asong chuhuahua kaya nagtaka ako. Bumili siya ng aso? Para saan?

"You're always begging us to buy you a pet, right?"

Napangiti ako dahil sa sinabi ni mommy. Ibibigay ba niya sa akin ang asong yan?

Napatingin ako sa aso at nginitian ko ito. Sobrang puti ng balahibo nito at cute din siya tingnan kasi sinuotan siya ng dress na color pink at meron pa siyang korona.

"Akin na po ba siya?"

Tanong ko kaya ngumiti naman si mommy at tumango siya habang hinimas himas ang balahibo ng aso.

"Yes, we bought her for you." Sabi ni mommy habang nakangiti parin kaya mas lalo pa akong napangiti.

"Thank you mom!" Nilapitan ko siya para matingnan ng maayos ang asong yun.

"You're welcome sweetheart. Anything for you......"

Napatingin ako sa cute na aso at nginitian ko ulit ito. Grabe ang cute talaga.

"But sweetheart, wala pa siyang name......."

Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ako kay mommy. Wala pa siyang pangalan?

Napatingin ako sa maputing balahibo ng asong ito at maya maya ay napangiti ulit ako nang nakaisip na ako ng pangalan.

"Snow po ang ipapangalan ko sa kanya....." Sabi ko.

Ngumiti si Mommy at tumango siya saka niya pinakawalan si Snow. Lumipat ito sa akin at kinarga ko naman siya. Ang bango naman ng cute na asong to.

"Mom, aakyat na po kami ni Baby Snow......" Pagpapaalam ko kay mommy.

"Okay sweetheart....."

Sagot niya at umalis na siya kaya umakyat na din ako sa kwarto kasama ang bagong aso ko.

Nang nakapasok na ako ng kwarto ay napansin ko ang dog house at mga damit ng aso na nakapatong na sa kama ko kaya pinaupo ko muna si Snow para ayusin tong mga to.

"Diyan ka muna baby ah. Wag kang aalis diyan....."

Nginitian ko muna si Baby Snow bago ko inayos ang mga gamit niya sa sulok ng kwarto ko.

Medyo natagalan ako sa ginawa ko pero nakangiti parin akong lumingon kay Snow. Medyo nakakapagod kasi ang bigat nung dog hou——

Nasan na yun? Nandito lang siya kanina eh! Yung asong yun naman oh!

"Baby Snow?" Tawag ko pero hindi naman ito lumapit sa akin kaya kumunot ang noo ko.

Hinanap ko siya sa sulok sulok ng kwarto pero wala talaga siya dito kaya bumaba na ako.

"Baby Snow?" Tawag ko ulit pero wala talaga.

"Huy! Nandito lang ang baby natin. Bakit mo ba kasi pinapapabayaan?"

BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon