[Altheah's POV]
Nandito na ako ngayon sa kwarto ko, tahimik na nagpapahinga. Ginamot ko na kanina tong mata ko at nilagyan ko na rin ng plaster at eyepatch.
Matutulog na sana ako pero hindi ako makatulog kaya umupo nalang ako sa hinihigaan ko at nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwartong to.
Nabaling ko ang paningin ko sa salamin at nakita ko ang kabilang mata ko na natatabunan ng eyepatch. Habang nakatitig ako sa sarili ko ay parang bumalik ang lahat ng alaala ko noong bata pa ako. Noong bata pa ako na may sakit ako sa kabilang mata kaya palagi akong nagsusuot ng eyepatch.
Ang sabi ng personal doctor ko, hindi na raw ito gagaling. Habang buhay ko nang tatabunan ng eyepatch ang kabilang mata ko dahil sa daplis ng bala na tumama dito. Malaking bahagi ng mata ko ang naapektuhan at nasugatan kaya hindi na ito magagamot ng kahit na anong gamot.
Tumulo ang luha ko nang naisip ko yun. Naalala ko kung paano ako ibinully at pinagtawanan dahil sa ganitong ayos ko dati. Gumaling na sana ako sa sakit ko pero bumalik na naman ito. Pero ngayon, hindi na ito gagaling.
Ang sakit. Nawala na sana ito dati pero bumalik na naman ito dahil sa maling desisyon ko. Ang desisyon kong sumali at maging leader ng Black Spade.
Ayoko na dito. Gusto ko nang umuwi. Hindi ko na kayang magpanggap na ibang tao.
"Altheah....."
Napalingon ako kay Sophie na kakarating lang at agad kong pinunasan ang mga luha ko. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ko siya para maisip niyang wala akong problema.
"Sophie, pwede ba akong umuwi sa amin?"
Tanong ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay kaya napairap ako. Gaga talaga tong babaeng to.
"Bakit ka nagtatanong sa akin? Ikaw ang leader dito kaya pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo....."
Napatango ako dahil sa sinabi niya at napaisip ako. Oo nga pala. Ako ang leader ng kademonyohan dito.
"Pakisabi nalang kay Nathan na umuwi na ako sa bahay namin. Gusto ko munang magpahinga doon...."
Sabi ko sa kanya at tinanguan naman niya ako. Tumayo na ako para kumuha ng jacket at lumabas na ako ng hide out.
.
.
.
.
.
.Dahan dahan kong binuksan ang gate ng bahay namin nang napansin kong hindi pala ito ni lock. Tiningnan ko ng maigi ang bahay ko dati at napangiti ako. Dumiretso ako sa loob at nang nakapasok na ako ay nagulat ako nang nakakita ako ng babaeng may dala dalang kawali kaya nagtaka ako.
"Sino ka? Magnanakaw ka no?"
Sino siya? Bakit siya nandito?
Tiningnan ko ng maigi ang mukha ng babaeng ito at——
"Yaya?"
Napangiti ako nang nakita ko si Yaya, ganun narin siya nang nakilala na niya ako. Mabuti naman at nagtatrabaho parin siya dito kahit wala nang nagsesweldo sa kanya.
"Altheah? Ikaw ba yan? Jusko!"
Sigaw niya ay agad niya akong nilapitan at niyakap. Maya maya ay may nakarinig akong tahol ng aso kaya napatingin agad ako sa pintuan ng bahay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/172053740-288-k756224.jpg)
BINABASA MO ANG
BEYOND THOSE CLOUDS (LOVE+WAR SERIES #1)
Novela JuvenilLOVE+WAR SERIES #1 Altheah Patterson is just a simple highschool student not until she moved to another academy and met the arrogant campus king, Aiken Emerson. After Aiken knew Altheah, he keeps bothering and disturbing her because of a certain rea...