Chapter Nine

8.4K 321 20
                                    

Bumalandra ang likod ni Cole sa upuan ng biglang itigil ni Mason ang sasakyan sa harap ng pub. Iiling iling na lamang siya habang si Aiden naman ay frustrated na napaungol.

"What the fuck man! Do you want to— hey! Saan ka pupunta?!"

Imbes ay tanong na lang ni Aiden ng biglang lumabas si Mason sa sasakyan at saka galit na galit na nagmartsa papunta sa entrance ng pub.

Isang nagtatakang tingin ang ibinigay niya dito pero ng maalala ang sinabi nito kani-kanina lang..

"I'm going to fucking kill whoever let her in that fucking filthy place!"

"Holy shit!" Malakas na mura niya bago mabilis na bumaba ng sasakyan at patakbong nilapitan si Mason na konti na lang ay makakalapit na sa dalawang malalaking gwardya na nagbabantay sa entrance ng bar.

Iniyakap niya ang dalawang braso mula sa likod nito at saka mabilis na hinila papalayo. Isang nagtatakang tingin naman ang ibinigay ng dalawang gwardiya sa inakto niya. Nakita pa niya ang isang gwardiya na ngumisi at saka tinitigan sila ng punong puno ng malisya ang mga mata.

He groaned. The last thing he wanted is to be mistaken for a gay but because of this stupid moronic guy...

"Bitawan mo ako at ng mabasag ko na ang pagmumukha ng dalawang pangit na iyan!" Piglas pa nito sa mga kamay niya na ikina-tingala niya lang sa langit sa sobrang frustration na nararamdaman!

Fuck! Can this 'vacation' be a lot more frustrating?! Nagsisimula na siyang mairita sa mga nangyayari sa kaniya!

"Are you fucking insane?! Hindi ka pwedeng gumawa ng gulo dito naiintindihan mo? Kung ayaw mong mas mabilis na malaman ng commander ang pagtakas ng bata. Be reasonable, damn it!" He hissed.

Mukhang umepektibo naman dito ang sinabi niya dahil agad itong kumalma. He took deep breaths bago siya nito hinarap.

"Fine." Ang sagot nito sa wakas.

"Guys. Okay na kayo?"

Napalingon sila kay Aiden na bagot na bagot na nakatayo lang sa harap nila. He sighed and then nodded.

"Good." Sagot lang nito at saka nauna ng pumasok ng pub.

Sa loob ay napangiwi si Aiden at si Mason ng makita ang mga customers ng pub. Mga lalaking puro tattoo sa katawan at mukhang addict, gangsters at mukhang hindi gagawa ng matino ang mga nandoon. Bawat mesa ay may ka-table ang mga itong prostitutes. Puno ng usok na galing sa sigarilyo, at amoy alak at pawis ang buong paligid.

Bumuntong hininga si Cole bago iginala ang paningin sa kabuuan ng lugar. Kumunot ang noo niya ng hindi makita sa paligid ang isang partikular na pigura. He leaned in to Aiden to ask, "Did you see her?"

"No.." Sagot nito sa kanya. Mayamaya pa'y inilabas nito ang cellphone at saka may kung anong pinindot doon. "But according to my tracker she's right...."

Iginala nito ang tingin sa paligid bago tumigil ang mga mata nito sa kinaroroonan ng isang pinto. Itinuro nito iyon. "There."

Sinundan nila ni Mason ng tingin ang naturang pintuan. Nag-igting ang panga niya ng may maramdamang hindi tama. Mabilis ang mga paang naglakad siya patungo doon. Pasimpleng inilabas niya mula sa sleeves ng leather jacket na suot ang swiss knife na dala dala. Sa likod niya sina Aiden at Mason. Humigpit ang pagkaka-hawak niya sa patalim na nasa kamay ng pihitin niya ang seradura ng pinto. He opened the door and what he saw wasn't what he expected at all.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon