"When did you arrive?"
"Kahapon."
"How did you know I was here then?"
Natigil siya sa pagsubo ng marinig ang sunod na tanong nito. Nasa tent sila at kumakain kasabay ng ibang mga kasamahan nito. Although nakahiwalay sila ng mesa, ramdam na ramdam niya ang nanunuring tingin ng mga ito sa kanya.
She just shrugged at his question.
"And what do you mean by that shrug?"
Tinitigan niya ito. "It meant, you don't have to know."
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot nito.
"And why?"
Again, she just shrugged.
"That shrug is starting to piss me off." Anito.
Tinitigan niya ito. She smirked.
"Good. At least alam kong hindi lang pala ako ang naiinis sa ating dalawa."
He sighed.
"May gusto ka pa bang kainin?" Ang biglang pagiiba nito ng usapan.
Tinitigan niya ang plato. Ni hindi nga niya alam kung ano ang inilagay nito doon kanina ng ipagsandok siya nito. Hindi din siya masyadong pamilyar sa mga pagkaing nakahain kaya umiling na lamang siya.
Hindi siya maarte sa pagkain. Sa uri ng trabaho niya at sa klase ng lugar kung saan sila laging pinapadala, ang pagiging maarte at mapili ang kahulihulian sa mga ugali niya. They couldn't afford to get choosy lalo na't mas madalas pa silang walang makain kapag nasa mga misyon sila.
"Try this."
She frowned at the food in front of her.
May iniligay itong isang pagkain sa pinggan niya na hindi alam ang pangalan. Basta it's a fish with orange looking sauce.
"That's called sarsyadong isda. Try it, masarap naman."
Hindi na lamang siya nagsalita. She likes the taste of the food though.
"So... hanggang kailan ka dito?" Balewalang tanong nito sa kanya.
Natigilan siya. Nag-angat siya ng tingin dito. Kung iisipin, parang napaka-normal lang ng usapan nilang dalawa ngayon. Na para bang walang pitong taong lumipas bago sila nagkitang muli.. Na para bang wala siyang mga katanungang gusto niyang ito mismo ang sumagot. Na para bang hindi ito pinaghinalaang namatay pitong taon na ang nakararaan.
She scoffed in her mind.
Is this a joke for him? Is he even taking this matter seriously?
Ang pambabalewalang naramdaman ay agad nagdulot ng galit sa loob niya. She suddenly wanted to punch something.. someone so badly kaya naman bago pa siya magpadala sa bugso ng damdamin ay agad na niyang ibinaba ang kubyertos at saka tumayo.
"Where are you going?" Ang kunot noong tanong nito sa kanya.
"Do I even have to answer that?" She suddenly snapped.
He looked taken aback at the harsh tone she used.
"Anong klaseng sagot iyan?" Ang kalmado pero nagbababalang tanong nito.
"Gaya ng klase ng sagot mo sa akin kanina pa."
Nag-isang linya ang mga labi nito. "Cece.." He warned.
Patuya niya itong tinitigan.
"Kung wala kang balak na kausapin ako ng matino. Ang mabuti pa, saka na lang tayo magusap."
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...