Nagising siya kinaumagahan na masakit ang ulo. Napangiwi siya ng pagmulat niya ay pakiramdam niya umiikot ang paningin niya. Tumihaya siya at saka ilang sandaling ipinikit ang mga mata upang payapain ang ulirat. Pagmulat niyang muli ay doon na rumehistro sa kanya ang kapaligiran niya. Mabilis niyang iniikot ang paningin sa paligid na mas lalong nagdulot sa kanya ng matinding pagkahilo. But despite that, she managed to take in her surroundings.
White walls, white curtains, white sheets, even the furnitures are white in this room. Ang carpet lang sa floor at and sofa set ang kulay itim sa loob ng kwarto.
Bumangon siya. Napapa-ungol siya habang sapo sapo ang ulo dahil sa sobrang sakit niyon. "Why am I here anyway? What happened last night?" Fuck... tila naparami ang inom niya ng tequilla kagabi sa Back O Beyond—
Natigilan siya. Teka sandali...
She gathered all her scattered memories and tried to remember what happened last night.
"Kagabi... I went to Hunter's pub... drank tequilla... talked to Mason and then I saw..." Nanlaki ang mga mata niya sa susunod na naalala. Muli niyang inilibot ang paningin sa paligid. "Don't tell me this is his..." Natutop niya ang bibig upang mapigilan ang malakas na pagsinghap.
Mabilis siyang bumaba sa kama. Doon niya napagtanto kung ano ang suot. Black long sleeves polo na umabot lang sa pwetan niya. May suot pa rin siyang panty pero ibang iba na iyon sa suot niyang puting panty kagabi! Isa pa ay ang bra niya! Last time she checked, she's definitely wearing a bra before she went to the pub last night pero ano't wala na siyang suot na bra ngayon?!
Hinawakan niya ang buhok. Basa pa rin iyon hanggang ngayon. Her hair smells of shampoo. A more manly type of shampoo! Did she shower last night? Bakit hindi niya maalala?!
Nagpalinga linga siya sa paligid. Ng mamataan ang pantalon ay agad niya iyong hinablot at saka mabilis na isinuot. She couldn't find her shoes anywhere na talaga namang nakapagpa-frustrate sa kanya ng labis. Marahas niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Fine.. let's leave the shoes behind. Who cares about the shoes as long as I get out of here?" Kalmadong kausap niya sa sarili bago tinungo ang pinto at saka lumabas ng kwarto.
Bumaba siya ng hagdan. Dahan-dahan ang bawat paghakbang niya habang palinga-linga sa paligid. Walang tao at napakatahimik ng buong bahay. She should be glad that was the case but based on her experiences in battlefields and missions, situations like this one are no good. Ang mga ganitong klaseng lugar kung saan tahimik at walang katao-tao ang mga pinaka-delikado because this is where enemies could pop in any second. This is where surprise attacks can happen!
Pagkababa sa pinakahuling baitang ng hagdan ay muli siyang nagpalinga linga sa paligid. Wala pa rin siyang namamataang mga tao. Using this as a chance, mabilis at tahimik niyang binagtas ang daan patungong main door. Ngunit paghawak na paghawak pa lang niya sa seradura ng pinto, may isang braso na na tila bakal na pumulupot sa bewang niya at mabilis siyang hinapit na nagpangyari upang bumalandra ng malakas ang katawan niya sa isang matigas na dibdib!
Nagpakawala siya ng isang malakas na singhap at mariing napapikit! Abot abot ang pagtahip ng dibdib niya dahil sa gulat!
"Where do you think you're going?" Came an angry baritone voice in her ears.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Ng mapagtanto kung kaninong katawan ang kinahihiligan ng katawan niya at kung kaninong boses iyon, mabilis pa sa alas kwatrong lumayo siya dito. Pero mas mabilis ang mga braso nitong tila kadena kung makapulupot sa bewang niya. Hindi tuloy niya magawang pakawalan ang sarili. She even considered using judo on him but as fast as the idea entered her brain, she immediately dismissed it. For sure it will just make everything worst!
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...