Chapter Fifty six

10.8K 611 140
                                    

Hindi nga nagbibiro si River ng sinabi niyang makakatulong sa pagbubuntis niya ang lugar nito dito sa Greece. Tahimik ang lugar at hindi matao. It's peaceful and calm. Ang buhangin ay purong puti at ang dagat ay asul na asul. Sandaling tumutok ang mga mata niya sa dagat. Looking at the deep blue sea, suddenly, a pair of electric blue eyes invaded her mind. Mga matang kasing asul ng payapang dagat na nasa di kalayuan.

Napatiim bagang siya at saka napapikit ng mariin.

Yeah. True enough, this place is indeed peaceful. But the longer she stares at the ocean, it feels like it was put there to make sure that the memories she had with him will be kept imbedded in her system as long as she's here!

She smiled bitterly. Seems like she won't be free from him that easily just like she first thought huh..

"Loving the view?"

Naputol ang matatalim na titig niya sa asul na asul na dagat at saka tumingin kay River. Umismid siya. "Pwede na, basta huwag lang akong mapapatingin sa dagat. Ang pangit." Ang seryosong sagot niya dito bago nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.

"Teka. Paki-ulit nga? Eh ang ganda ganda kaya ng dagat! May problema ba yang mga mata mo?" Sita ni River sa kanya habang sinusundan siya.

Napabuntong hininga na lamang siya. "Whatever. Saan ba ang magiging kwarto ko?"

River just looked at her as if she's crazy. Paniguradong gulong gulong ito sa mood swings niya. Naguguluhan man sa inaakto niya ay binalewala na lang nito iyon.

He sighed. "Dito." Anito bago umakyat ng hagdan. Sinundan niya ito. Tumigil ito sa isang pinto. "This will be your room. Kaharap ng dagat para maganda ang view mo. I heard, pag maganda daw ang nakikita ng nanay ay happy din si baby." Binuksan nito ang pinto. "See?" Lahad nito sa view.

Biglang nalukot ang mukha niya sa nakita. "Ayoko."

Gulat na napatingin sa kanya si River. "Anong ayaw mo? Ang ganda ganda kaya ng kwartong ito! Very calming sa paningin lalo na pag tumambay ka dito sa balkonahe!"

Marahas siyang napabuntong hininga! Yun na nga eh! Wala siyang ibang makikita kundi ang asul na asul na dagat na kasing kulay ng mga mata ng dukeng iyon! God! Does he have to remind her about him everyday?!

"Basta! Ayoko!"

River only looked at her as if she had gone crazy.

"Ang gulo gulo mo ah! Hindi ko alam kung dahil ba yan sa pagbubuntis mo o ano pero nakaka-stress ka nang i-figure out! Gustong gusto mo ba talaga akong pinahihirapan?"

"Oo!" Sagot na lang niya kahit hindi naman. "Basta ayoko dito sa kwartong ito. Doon na lang ako sa kabila."

"Hindi pwede dahil maliit doon."

"Sanay ako sa maliit na kwarto."

"Walang CR sa loob ng kwartong iyon. Paano pag naiihi ka sa gabi? Mahihirapan ka lang. Mamaya niyan madulas ka pa."

"I can be careful. Besides, kaya kong mag-adjust."

"Pwes ako hindi. Look, maganda ang kwartong 'to at naniniwala ako na makalatulong to kay baby so huwag ng matigas ang ulo okay? Isipin mo na lang para to kay baby."

She pursed her lips at him. Alam nitong hindi siya makakasalungat lalo pa't sinabi nitong para iyon sa anak niya. She clenched and unclenced her fists.

"Fine..." Wika niya mayamaya.

River ruffled her hair as he smiled at her. "Good girl. So, magpahinga ka muna okay? Enjoy your room and just chill." Masayang wika nito bago lumabas ng kanyang kwarto. Naiwan siya doon na nagpupuyos sa inis.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon