Chapter Sixty four

13.2K 598 126
                                    

Hindi maitatago ang tensyon sa pagitan nila habang bumibiyahe sila pabalik ng bahay nito. Napakatahimik sa loob ng sasakyan. Wala ni sinuman ang gustong umimik. The silence is so thick, you can cut it with a damn knife.

Mula sa passenger seat ay binalingan niya si Derrick na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Tutok na tutok ito sa pagmamaneho at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. From time to time she would catch him clenching his jaws or his palm against the steering wheel. Halata ang pagtitimpi.

Noong nagtrabaho siya bilang bodyguard nito ay siya lagi ang nagmamaneho para dito. Bahagya pa siyang nagulat kanina ng imbes na pumasok sa backseat ay sa driver's seat ito pumwesto. She knows why though, gusto nitong matuon sa ibang bagay ang atensyon habang nasa byahe. Dahil kung magtatabi lang sila sa backseat, paniguradong kanina pa sila nagumpisang magsagutan.

Napabuntong-hininga siya ng lihim.

Nevertheless, she wanted to talk to him so bad but she's so afraid to even utter a word. Natatakot siya na baka hindi pumasok sa isip nito ang paliwanag niya. Natatakot siya na baka tuluyan siya nitong kamuhian.

Napalabi siya dahil pakiramdam niya tuyong tuyo ang lalamunan niya dahil sa tensiyon. Binalingan niya ang natutulog na anak upang kahit papaano ay madagdagan ang lakas ng loob niya. He's innocent sleeping face gave her heart an instant calmness and peace. She just wanted this long gruelling drive to end dahil pakiramdam niya, sa bawat minutong dumaraan, papasikip ng papasikip ang espasyo sa pagitan nila ni Derrick. Nakaka-suffocate to the point na tila ang hirap ng huminga.

Nakahinga siya ng maluwag ng tumigil ang sasakyan. Mabilis na lumabas mula sa driver's seat si Derrick. Binuksan nito ang pintuan ng backseat at mula doon ay kinuha ang kanilang natutulog na anak. Sunod silang bumaba ni Kara at saka kinuha ang mga gamit. Walang imikan sa pagitan nila habang naglalakad sila papasok ng bahay. Sa loob ay agad silang sinalubong ni David.

"Welcome home, your gr----" David trailed. Agad na tumutok ang mga mata nito kay Zakki na karga karga ng amo nito. Isang nagtatakang tingin ang iginawad ng butler kay Derrick. "Who..."

"David, meet my son." Ang diretsahang sagot ni Derrick na ikinasinghap ng malakas ni David.

"Y-your son!" Nanlalaki ang mga mata sa gulat na bulalas nito. "How... I mean how..."

"I. Have. No. Idea." Sarkastikong sagot ni Derrick bago tumitig sa kanya. "But don't worry David. I intend to find out.. Tonight." Patuloy nito pero ang mga mata'y nakatutok pa din sa kanya habang nagsasalita. He looked at David. "Put my son in a room beside mine. Tulungan mo na din si Kara na i-ayos ang mga gamit ng bata." Utos nito kay David bago ibinigay si Zakki kay Kara. Mabilis na umalis ang dalawa. Naiwan sila ni Derrick na nakatayo lang sa may sala.

Again, he didn't look at her. His hand is on his waist while the other combed his hair in frustration.

"Doon tayo sa study room mag-usap." Iyon lang ang sinabi nito bago nagpatiunang naglakad. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.

Kalma lang, Cece... Huwag kang iiyak... Kayanin mo 'to.

Tahimik niya itong sinundan. Binagalan niya ang paglalakad dahil gusto niyang makaipon ng lakas ng loob bago pumasok sa study room. Makailang buntong hininga siya upang pakalmahin ang sarili.

Tumigil siya sa nakauwang na pinto. Isa pa muling buntong hininga bago siya tuluyang pumasok. Natigilan siya ng makita itong nagsasalin ng alak sa baso. Nakagat niya ang ibabang labi ng dire-diretso nitong tinunga ang laman niyon. Isa pa ulit na salin at lagok ang ginawa nito bago marahas na ibinagsak sa mesa ang baso na talaga namang ikinapitlag niya.

The look he gave her after that almost sent her backing off pero ipinirmi niya ang sarili sa kinatatayuan. She willed herself to stay because she knows, this is now or never. At ayaw niyang matulog ngayong gabi na may bigat sa dibdib. Iyon ay kung makakatulog nga siya pagkatapos ng paguusap na ito.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon