"Are we really going to live here?" Tanong niya kay Magnus. Nasa kusina sila ngayon ni kamahalan at kasalukuyang nagkakape pampatanggal ng antok.
Si Mason ang sumagot.
"Malamang, babantayan nga daw ng malapitan sa bahay at sa trabaho di ba?"
Ngumiwi siya. Oo nga naman. Pero damn... ibig sabihin nito, 24/7 nilang makakasama si kamahalan?!
No way!
"Guys, pag-usapan na natin ang trabaho."
Nag-pokus sila ni Mason kay Magnus.
"Ngayon, hindi na lang ang panatilihing ligtas ang kliyente ang trabaho natin kundi pati na din ang paghanap sa taong gustong pumatay sa kanya."
Napa-ungol si Mason sa sinabi ni Magnus. "And here I thought chill lang tayo sa babysitting mission natin dito." Wika nito.
"That is why we need to divide the chores. Isa sa atin ang magha-handle sa security ng bahay at workplace ng kliyente. Obviously, si Mason na iyon." Ani Magnus bago tumingin sa kanya. "One of us needs to stay with the client at all times. The other needs to dig and investigate para mahanap ang mastermind. And since I already started with the investigation, I suggest na ikaw na lang ang magbantay sa kliyente, Cece."
She snapped her head at Magnus so fast akala niya ay magkaka-stiff neck siya sa sinabi nito!
"What do you mean ako ang magbabantay?"
Si Mason ulit ang sumagot. "Hay! Sinabi ko nga di ba? Bantay sarado nga dapat siya. Sa bahay at sa trabaho."
"So pati sa loob ng kwarto at sa loob ng opisina niya babantayan ko pa siya, ganoon ba?" Ang naiiritang sagot niya.
"Sa loob ng opisina pwede pa pero sa loob ng kwarto siyempre hindi na. Bakit, may gusto ka ba dun kaya pati sa loob ng kwarto gusto mong bantayan? May pagnanasa ka siguro dun no?"
"Gusto mo ng mamatay?"
"Tsk. Eh bakit defensive ka?"
"Eh kung ingudngod kaya kita diyan sa mesa?"
"Guys stop with the fight." Awat ni Magnus sa kanila. He sighed. "Babantayan mo lang siya kada nasa opisina tayo. Pag dito sa bahay, nandito naman kami ni Mason kaya tayong lahat ang magbabantay. Sa opisina, syempre doon kami sa security office ni Mason mamamalagi and that is on the eight floor. Nasa thirtieth floor ang bantay natin kaya kailangang may maiwan doon."
"So I will have to act like a fucking fly slash bodyguard na sunod ng sunod sa kanya, ganoon ba?"
Napangiwi si Magnus sa sarkasmo sa boses niya.
"Mukhang hindi naman umuubra sayo ang kasungitan ng bantay natin eh kaya makaka-survive ka dun. Isa pa, di ba ikaw naman ang excited kanina na matapos ang misyong 'to, kaya pumayag ka na."
"As if naman na may magagawa pa ako."
"Iyon nga. We will all benefit to this as long as we do our parts well."
Pagkarinig ng salitang 'benefit', agad bumalik sa isipan niya si Chase.
Yes Cece. For Chase okay?
Yeah.. for Chase.
Bumuntong hininga siya. Inalis ang negative thoughts sa isipan at saka nginitiian si Mason.
"Okay." She shrugged.
"O...kay?"
"Okay." Ulit niya.
"What. Just like that? No violent reaction?"
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...