Marahas na kinatok niya ang pintuan ng bachelor's pad ni Chase. Kanina pa siya kumakatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kagat labing pinakatitigan niya ang passcode nito.
Sighing, she punched the code that he taught her before. Bahagya siyang nasorpresa ng bumukas ang pinto.
So he haven't changed it, huh?
Dati rati ay nagtataka siya kung ano ang meaning ng passcode nito. Date kasi iyon. 10-16.
"October sixteen.." Isang nanunuyang ngiti ang kumawala sa mga labi niya. "Now I know why.." Dahil iyon ang mismong araw na ikinasal ito sa babaeng iyon.
Isang mapait na ngiti ang kumawala sa kanya. Can there be anything more surprising than what she learned from those two folders the commander gave her? Di yata't bumabawi ang tadhana sa mahigit isang taong paglayo at pananahimik niya? Nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago pumasok sa loob.
Isang tahimik na sala ang nadatnan niya. Kunot noong tinungo niya ang kwarto pero imbes na isang natutulog na pigura ang mabungaran niya, ang malinis at maayos na kama ang bumati sa kanya.
Bumalik siya sa sala at saka nakapamewang na tumayo doon. Makalipas ang ilang sandali ay nakapag-isip siya ng paraan kung papaano ito mahahanap. She took her phone out of her pocket and traced Chase's whereabouts through GPS.
"Nasaan ka ba..." She continued tapping on the screen of her phone. Napakunot noo siya ng makita kung nasaan ito. "Wait, Batangas? What is he doing there?"
She did some research. Chineck din niya ang personal schedule nito na nasa account nito sa hospital. Nakatulong ang pag-hack niya sa account nito noong nagbubuntis siya upang malaman kung ano na ang nangyayari dito kahit wala siya.
Hindi naman nagtagal bago niya nalaman kung bakit ito naroon. According to his plans, may party itong aatendan mamayang gabi.
At kaninong party naman?
Mas lalong kumunot ang kanyang noo ng malaman kung anong klase at kung kaninong party iyon.
Opening ng bagong hotel na ipinatayo ni Elle mamayang gabi.
Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya magawang maialis ang tingin sa screen ng kanyang cellphone. Shit! Napakalaking coincidence naman! Bakit sa dinami-dami ng party, kay Elle pa? Where there could be a big chance that he might be there? And going there might mean she could bump with him tonight. Biglang napuno ng pag-aalinlangan ang dibdib niya.
Shit... pupunta ba siya o hindi?
Napalabi siya. Alas tres na sa kanyang orasan. Kung pupunta siya o hindi ay kailangan na niyang mag-desisyon since may ilang oras na lang siya para bumiyahe patungo sa Batangas upang makausap si Chase ng personal.
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi habang nagiisip ng malalim.
She clicked her tongue in frustration.
Teka nga, Cece. Di ba sinabi mo na sa sarili mong hindi ka kakabahan kung magkita man kayong dalawa? So what's the fuss now huh? Eh ano naman ngayon kung magkita kayo? Don't tell me hindi mo siya kayang i-handle?
Upon thinking that, she pursed her lips and immediately gathered her composure. Hindi kayang i-handle? Tsk! Ako pa ba ang matatakot? Hah!
Tinawagan niya ang yaya ng anak niya para ipaalam na hindi siya makakauwi ngayong gabi at na siya muna ang bahala kay Zakki.
Matapos niyang magbilin ay agad siyang lumabas ng condo unit ni Chase at lumulan sa kanyang kotse upang maghanap ng pinakamalapit na pwedeng niyang pagbilhan ng gown para sa party mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...