Chapter Twenty nine

7.8K 313 14
                                    

Dumating ang araw ng bakasyon. Lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa NAIA airport ng eksaktong alas syete ng umaga. Alas nueve ang flight nila ni Chase pa-Puerto Princesa at apag-usapan nila na sa NAIA na lamang magkikita. From there, sabay na silang magbo-board ng flight to Puerto Princesa Airport.

Hinugot niya ang cellphone sa bulsa and read his message again.

"I'm already here. I'll wait for you here at terminal three gate two."

She grinned. Excited na naglakad siya upang puntahan ito. Hindi naman siya nahirapang makita ito dahil mula sa kinatatayuan niya, kitang kita na niya ang magandang tindig at pangangatawan nito.

He's wearing a white shirt with it's front tucked inside his blue jeans. Sa paa naman nito ay isang pares ng itim na converse. With his hair brushed up, he looked really good kahit saang anggulo mo tignan. Doctor na doctor ang dating kahit hindi ito naka-scrub suit.

Napangiti siya sa loob loob niya. Pero agad ding nabura iyon ng mahagip ng mga mata niya ang isang kumpol ng mga babaeng nakatingin kay Chase na para bang isa itong maganda at mamahaling damit na nag-sale at pinaghahandaan ng sunggaban!

She frowned when one girl started fixing her dress. Mukhang pinaghahandaan na talaga nito ang 'pag-sunggab' na binabalak! Her eyes widened when the girl started walking towards him but she beat her to it. Bago pa ito makalapit ay nakalapit na siya with a great idea popping in her head. She smiled sweetly and did what her mind was telling her to do.

She hugged Chase in the back.

She could say he was a bit startled at first but he instantly relaxed when he saw it was just her hugging him. He smiled and then hugged her back.

"I miss you..." She whispered.

"Me too.."

Pasimple niyang tinitigan ang babaeng higad na ilang dipa lang ang layo mula sa kanila. Tinaasan niya ito ng tingin as if asking her, 'yes? Is there anything you want, bitch?'

Pero imbes na sumagot ay napapahiyang tumikhim lang ang babae. Tahimik itong tumalikod at naglakad pabalik sa mga ka-tropa nitong higad din. Nasa mga mata ng mga ito ang inggit hahang nakatingin sa gawi nila ni Chase.

'That's it! Drool, bitches!' Ang sigaw niya sa isip.

Muli siyang bumaling kay Chase.

"Did you wait too long?"

Umiling ito bago humiwalay sa kanya. "Not that long."

Itinagilid niya ang ulo. "Where are your things then?"

"Already checked it in. Ikaw, iyan lang ba ang dala mo?"

"I prefer travelling light." She grinned.

"Hm. Kumain ka na?"

"Hindi pa."

"Do you want to eat first? May one and a half hour pa naman."

Muli ay napangiti siya. "Hindi na. Ang mabuti pa, pumasok na muna tayo. May mga kainan pa naman sa loob."

"Okay.."

She was about to walk but stopped when he held her bag.

"Huh?"

"Ako na ang magdadala ng bag mo." Anito.

"Eh magaan lang nama—"

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon