Chapter Fifty four

9.9K 561 165
                                    

Ang bigat ng pakiramdam niya kinabukasan. Wala siyang ganang kumain. Ni bumangon ay wala siyang kagana-ganang gawin.

"Cece? Ano na? Dadalhin na ba kita sa ospital?" Ang sunod sunod na tanong ni River pagkapasok na pagkapasok nito ng kwarto niya.

Huminga siya ng malalim bago tumihaya at tumitig dito. "Huwag na. Jet lag lang to. Pahinga lang ang katapat."

River frowned at her. Right now he looked like a father reprimanding his child. "Anong jet lag lang? Nagkaka-jet lag naman ako pero hindi naman ganyan kalala na halos hindi ka na makabangon!"

"Or baka dahil lang sa kinain ko kagabi? I don't know..."

"Ha? Eh pareho lang naman tayo ng kinain kagabi ah. Wala naman akong nararamdamang masama."

"Matibay na siguro ang sikmura mo. Palibhasa kahit ano kinakain mo."

Tinitigan siya nito ng masama. "Para sabihin ko sa iyo, sosyal tong bituka ko at hindi basta basta nag-a-accommodate ng mga pagkaing nabibili lang diyan sa point-point!"

She frowned. "Point point..?"

"Turo-turo! Sabi ni Mason iyon daw ang tawag doon!"

"Tsk. Nagpapaniwala ka naman sa kalokohan ng lalaking iyon."

His chest puffed. "Idol ko yun eh."

"Ah, so pati sa pagkolekta ng mga babae idol mo din.." Sarkastiko niyang dugtong.

Natigilan ito. He clutched his chest as if he's in pain. His words became emotional the next moment.

"Teka.. bakit parang kasalanan ko...?"

She threw him a glare. "Tigil-tigilan mo ako diyan sa mga ka-dramahan mo ah."

He pouted. "Bakit? Ginusto din naman ng mga babaeng nakakasama ko iyon ah. Para sabihin ko sa iyo, lahat ng babaeng kinakama ko, they know the real score. At hindi ako nanloloko dahil una pa lang, sinasabi ko na sa kanila na wala silang maaasahan sa akin. Now if they don't want that, they can back out. If they are in, then that's it. At wala pa akong babaeng pinilit, to tell you the truth. Hah! Sa gwapo kong 'to, mamimilit ako ng babae? No way!"

She rolled her eyes at him. "Ang dami mo ng sinabi. Defensive!"

"Talaga!"

"Tsk."

Tumigilid siya ng higa. Sa ginawang pagkilos biglang umikot ang paningin niya.

"Argh..." She groaned habang sapo sapo ang ulo.

Kinabahan si River sa iginawi niya. "Shit! Are you okay?!"

"I think I'm really sick.."

"That's it! I'm driving you to the hospital."

"I said no need..."

"Anong no need eh ang putla putla mo na! You need to be checked by a doctor as in ngayon na!"

Kinuha nito ang braso niya at mabilis siyang pinangko. Wala na siyang lakas na pigilan ito kaya hinayaan na lang niya.

They ended up in a nearby hospital. Pangko-pangko siya nito pagpasok ng emergency room.

"Nurse! Nurse!"

Gusto niyang supalpalin ang bibig nito dahil bigla na lang itong nagiiingay sa loob ng emergency room na animo'y nag-aagaw buhay ang dala-dala nito. Nakakahiya!

"Sir, I am nurse Smith and I can help. Can you tell me what happened?"

"She suddenly started getting nauseous this morning. I think she's sick." Ang nagpapanic na wika nito sa babaeng nurse na ikinaikot halos ng mga mata niya.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon