Chapter Fifty seven

9.1K 344 24
                                    

Nanghihinang sumandig sa pader si Derrick. Napangiwi siya ng malasahan ang dugo sa bibig. He hissed at the pain in his stomach. Si James naman ay hingal na hingal na napaupo sa sahig habang sapo sapo ang tagiliran. Putok ang kilay at labi ng dalawa.

Kalmadong nakatingin lang si Derrick kay James ngunit ang huli ay puros matatalim na titig ang iginagawad sa pinsan.

"Do we really had to fight, Thomas?" Ang kalmadong tanong ni Derrick sa pinsan.

Isang nauuyam na ngiti at tingin naman ang iginawad ni James dito. Pinahid nito ang dugo sa mga labi.

"It's funny how you even have the guts to ask me that. I'm sure nakita mo ang laman ng mga tabloids? Hindi pa ba sapat ang biglaang engagement ko sa fiancè mo?!"

Napapikit ng mariin si Derrick sa tinuran ng pinsan.

"Wala akong kinalaman—

"Anong wala?! Kahit kailan, lagi mo na lang ipinapasa sa akin ang mga bagay na ayaw mo!"

"That is not true!" Madiing turan ni Derrick dito.

"Oh c'mon! Spare me the innocent act, cousin! I fucking know what is happening here. I'm not stupid!"

"I never told grandfather to make you her fiancè in my stead."

"Bullshit! Alam mo na lalaking apo lang sa pamilya natin ang nasa kasunduan! Umatras ka! Ano ngayon ang ineexpect mo? Ititigil na ang kasunduan ng dahil lang sinabi mo na ayaw mo? Ikaw ang pinili na gumawa non! You even consented! Pero dahil umayaw ka, ako na lang ganoon ba?!"

"I never consented, Thomas!"

"But the deal has been made!" Sigaw ni Thomas pabalik sa pinsan. "Now because you declined, ako ngayon ang sasalo ng responsibilidad mo!" Marahas na isinuklay ni James ang mga daliri sa buhok. "There is no fucking way I'd marry a girl just because someone said so! That is fucking too much! I'm so done being a puppet to you and grandfather!"

"Thomas—"

"Just fucking shut up!"

"I'll talk to grandfather. I'll convince him to change his mind."

"And how are you going to do that!" Frustrated na wika ni James. "Kalat na sa media pati sa mga tabloids ang pangalan ko bilang fiancè ng babaeng iyon! At kung sana, katulad pa ako nung dati na walang paki-alam sa sirkulong ginagalawan natin, rest assured, hindi ako mamo-moblema na katulad ngayon! Pero nakakalimutan mo yatang hawak ko na ang reputasyon ng kumpanyang pinaghirapan ng kapatid kong ipaglaban maibigay lang sa akin! How do you expect I back out from this engagement without ruining our name and our company in the process? How?"

Napapikit ng mariin si Derrick. Ngayon, isang problema na naman ang dumating sa kanya na hindi niya alam kung papaano masosolusyonan.

"I'll think about something."

"Then think! Get me out of this, Derrick or I swear to god..." James warned before marching towards the door. Binuksan nito iyon at saka pabalibag na isinara ang pinto.

Tinitigan ni Derrick ang pintong nilabasan ng pinsan saka napabuntong hininga. God.. what is he going to do? Ng makipag-deal siya kay Sora ay nawala sa isip niya ang posibilidad na baka si James nga ang kukunin ng pamilya nitong kapalit niya. Wala talaga iyon sa isip niya! He thought everything will end the moment he agreed to that deal. Pasalampak siyang umupo sa kanyang swivel chair at saka tulalang nag-isip. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng mapatingin sa telepono sa ibabaw ng kanyang mesa. Dinampot niya iyon at saka nag-dial. Ilang segundo bago may sumagot.

"Hello?"

"It's Derrick."

Sandaling katahimikan ang punailanlang. The last time they saw each other was months ago. Noong handa siyang gawin ang lahat huwag lang makasal sa babae. Paniguradong nagtataka ito ngayon kung ano ang sadya niya. He thought he'd never call this woman again but he needs to talk to her for Thomas' sake.

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon