Chapter Fifty nine

10.3K 468 65
                                    

Bukas po ang next chapter. I've been very busy this past couple of weeks. Pati saturdays and sundays ko ay nilaan ko na sa trabaho kaya nawalan talaga ako ng time mag-update. No choice eh. Dahil tulad ng lagi kong sinasabi, work first before wattpad because wattpad won't help me pay my bills. #adulting. Haha

Anyways, please vote and write your comments po.

Thanks!

———————

Five months after giving birth ay nakapagdesisyon na siya. Babalik na siya at hindi na magtatago pa. She can't hide forever. Hindi iyon magiging maganda sa kinabukasan ng anak niya. Isa pa, Zakki's father might be married already. Isang taon at mahigit na din ang nakalipas. Siguro naman ay nakalimutan na siya nito ngayon at tahimik ng namumuhay kasama ng asawa nito. Hindi na siguro siya nito hinahanap. May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib sa naisip pero binalewala niya iyon. Wala ng saysay pa ang makaramdam ng sakit. Tutal, tapos naman na ang lahat sa pagitan nila.

Matapos ilagay sa maleta ang huling piraso ng damit ni Zakki ay hinarap niya si River na karga karga ang anak niya habang nakasandal sa hamba ng pinto. Mataman itong nakatitig sa kanya.

"What?" Tanong niya sa nakakunot nitong noo.

"Are you really sure of what you're going to do? Hindi pa huling umatras."

She sighed bago isinara ang maleta. "Hayan. Buo na ang desisyon ko." Wika niya bago tumayo upang harapin ito. "Isa pa. Ayoko namang habang buhay na magtago, River."

"So you mean handa ka nang magpakita sa kanya?"

"Oo. Kung makikita niya ako eh di makita niya."

"Paano ang anak ninyo? Paano pag nakita niya ang inaanak ko? Anong gagawin mo?"

"Hindi naman niya makikita si Zakki."

Natigilan ito.

"So you mean hindi ka magtatago sa kanya pero ang anak mo ay itatago mo sa kanya, ganoon ba?"

Tinitigan niya ang anak niyang himbing na himbing sa pagtulog. Napabuntong hininga siya.

"Kasal na yun ngayon malamang."

"So?"

"Anong so? Kapag nakita niya ang anak namin ano? Kukunin niya at saka ibabalandra sa madla? My son will be branded as a bastard, River. Sa tingin mo papayagan ko iyon?"

"O, pano nga?"

Kinuha niya mula dito ang anak niya. "Hindi niya makikita si Zakki. Isa pa, for sure, masaya na iyon ngayon sa buhay niya."

"Paano ka naman nakakasiguro? Sinadya mo ngang hindi makibalita sa nangyayari sa buhay niya. So basically, wala kang alam sa mga nangyayari."

"Hindi na mahalaga iyon dahil hindi na ako hahanapin pa ng lalaking iyon."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni River matapos niyang sabihin iyon. Mayamaya ay mataman itong tumitig sa kanya.

"You refused to receive any news regarding that man. Ni hindi mo nga tinatanggap ang mga updates ni commander sa iyo."

"It's because I never wanted to hear anything from him, River." Ang matigas niyang turan.

"Well ako hindi. I know what has been happening, Cece. And I'm telling this to you right now so you'll know. Ang lalaking iyon ay hindi tumigil sa paghahanap sa iyo. The commander has been successful in threatening all of his private investigators para lang makapagbigay sila ng false report kay Derrick but despite that, he never stopped looking for you. Ngayon, kung handa ka ng iwan ang lugar na ito, I think kailangan mo na ding ihanda ang sarili mo sa katotohanan na anytime, maaari niyang makita hindi lang ikaw kundi pati na ang anak ninyo. I want you to think about this intently dahil hindi biro ang pagtatago mo ng naging kalagayan mo sa kanya. Pagbali-baliktarin mo man, anak pa din niya ang pinaguusapan dito kaya ihanda mo na ang sarili mo sa mga maaaring mangyari."

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon