Salamat sa mga nagdasal na sana makapasa ako sa exam! I really appreciate the support guys. At dahil jan, mag uupdate ako pampagood vibes lang:)
—————————
Ilang linggo na rin mula ng magbago ang turingan nila ni kamahalan. Mula sa pagiging inis sa isa't isa hanggang sa pagiging civil. They are not friends and definitely not lovers because she doesn't consider what they have as something romantic. Fling siguro..? Yeah.. that's definitely it. Kasi from her vocubulary, what they have is just a short period of enjoyment. Panandalian lang hanggang sa matapos ang misyon niya dito.
So when it's done, she will have to leave him and go on with her life.. Lalo pa ngayon na alam niyang sa mga susunod na araw.. kailangan na nilang itigil ang kabaliwang ito. The end of their mission is nearing. By now, those bastards are probably dead so to speak.
She caught herself unconsciously playing with the engagement ring on her finger. Hindi niya namalayan na kanina pa pala niya nilalaro iyon habang nagmumuni muni. Sinipat niya ang singsing at habang tinititigan iyon, tila ba hindi na niya alintana ang presensya niyon sa kanyang kamay. Na tila ba napakanatural na lamang na naroon iyon at laging nasa kanya saan man siya magpunta. Na para bang nararapat lamang na nasa mga kamay niya iyon.
Napabuntong hininga siya at saka napailing.
What the hell do you think you're thinking, Cece? Nararapat na sa iyo? Oh c'mon! He's just your fling. When this mission is done, that means what you two have will be over. Kaya huwag kang mag-isip na para bang may something sa inyong dalawa. Don't you dare... even go there. Don't.
Ting!
Napa-angat siya ng tingin ng marinig ang pagtunog ng oven tanda na luto na ang roasted chicken na isinalang niya kanina. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa counter top upang ihanda ang mesa at pagkain. Kumuha siya ng tubig sa ref. Pagsara niya niyon, nahagip ng mga mata niya ang nakapaskil na rules na isinulat nilang dalawa ni kamahalan ilang linggo na ang nakararaan.
Napangisi siya ng mabasa ang salitang 'privacy' sa papel. Kamahalan made her write that because according to him, he values his privacy so much. Pero kung titignan sila ngayon, para na ngang walang privacy sa pagitan nila. They sleep in the same bedroom... they sometimes shower together... and lastly, they've already seen, touched and tasted each other's naked body. So, alin ang privacy doon?
Nasa ganoon siyang pagiisip ng dalawang braso ang biglang pumulupot sa bewang niya. And based on the manly smell that assaulted her nose, kahit hindi siya lumingon ay alam na alam niya kung sino ang nasa likuran niya ngayon.
"What are you doing?" Mahinang bulong ni kamahalan sa tenga niya. And she sometimes hate it because his voice has this cunning ability of making her knees go weak.
Itinaas niya ang pitsel ng tubig sa isang kamay bilang sagot.
"Hm.." Nakapatong ang baba nito sa balikat niya kaya ramdam na ramdam niya at amoy na amoy ang mainit at mabango nitong hininga. They stayed that way for a minute. Him back-hugging her. Mayamaya pa'y naramdaman niya ang marahang pagsinghot nito sa leeg niya.
"Hindi ako shabu." Ang pabiro niyang wika na marahan naman nitong ikinatawa.
"Hindi nga.. pero nakaka-adik ka pa rin."
Gulat na pumihit siya paharap dito. "Nagtagalog ka.." Parang tangang wika niya.
Natawa ito sa reaksyon niya. "Yes. I do know how to speak that language, Miss Klein."
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...