She woke up at five in the morning. Naligo siya at nagbihis. Pagkatapos niyon ay isinalang niya ang electric kettle para makapagkape bago pumatak ang alas syete ng umaga. Nagpapatuyo siya ng buhok ng may kumatok sa kanyang pinto.
"Chase?"
Nakasuot ito ng brown sweat shirt. Sumisilip pa sa laylayan niyon ang puting t-shirt na panloob. Naka faded maong pants na may diretsong butas sa tuhod at saka naka sneakers. All in all he looked ready for the day maliban na lang sa nakabusangot nitong mukha.
"Something wrong?" Kunot noong tanong niya pero imbes na sumagot, nagtuloy tuloy lang ito sa loob at saka sumalampak sa upuang naroon.
"Just sleepy.. I did my paperworks the whole night."
"You should have slept more. Seven pa naman ang usapan natin ah. It's just five thirty in the morning."
"I won't be able to wake up on time kapag natulog ako ng mas matagal." He groaned while his eyes are closed.
Umiling na lamang siya. "Sleep on the bed. You looked like you're going to pass out any minute."
Dumilat ito at saka tumitig sa kanya. Mukhang nag-aalangan pa ata.
She sighed. "Go sleep on the bed. I'll wake you up before eight. Go.."
Latang latang tumayo ito at saka dumiretso sa kama. After he kicked his shoes aside. Nag-dive na ito doon. Wala pang ilang minuto ng makita niya ang kalmadong pagtaas baba ng dibdib nito tanda na nakatulog na ito.
Iiling iling na inabot niya ang kumot at saka kinumutan ito. Nagtimpla siya ng kape at pumwesto sa may bintana. She looked at the sky. Madilim pa. Pero ang kalmado at malamig na hangin ay tama na upang gisingin ang dugo sa ugat niya.
Napalingon siya sa natutulog na bulto ni Chase. Looking at him now... looking at the things he do now... para bang hindi nag-daan ang halos limang taong karanasan nila sa poder ni Kareem noon. He's successful now.. an achiever.. wala ni katiting na bakas ng nakaraan sa buhay na tinatamasa nito ngayon. Samantalang siya? Naroon pa rin.. tinatamasa ang magulong buhay na kinalimutan na nito..
Tsk.. it's really funny how life seems to work. Pero mas nakakatawa na bago natin sisihin ang mga maling desisyon na nagpapangyari upang makuha natin ang buhay na kinasusuklaman natin, mas una pa nating sinisisi ang buhay mismo. Life is about pros and cons anyway. You have the life you don't want to have... you have the problems that you don't want to deal with... all because you made the wrong decisions.. all because you chose the wrong options..
And maybe.. Just maybe.. Chase just made and chose the right ones kaya ganito ang buhay nito ngayon. Malayo sa gulong kinagisnan nila dati.
Kaya tama bang magalit siya dito dahil lamang mas pinili nitong magkaroon ng magandang buhay? Is it right na dapat ipagdiinan pa din niya na dapat hindi nito kinalimutan ang buhay na meron sila dati? Na dapat hindi siya nito kinalimutan? Na dapat hinanap siya nito? Na dapat nandoon siya sa buhay na tinatamasa nito ngayon?
She scoffed at the absurdness of the idea.
That sounds bitter even to your own taste, Cece.. Ang nanunuyang turan ng konsensya niya.
Tama na ang halos pag-buwis nito ng buhay noon maligtas ka lang. Lagpas na iyon dapat sa sapat. Kaya anong karapatan mong bumalik at guluhin muli ang buhay niya? Ipagsiksikan ang sarili mo gayong may maganda na itong buhay?
He made his bed and you made yours. Nagkataon lang na mas pinili mong mahiga sa lupa kesa sa malambot na kama na gaya ng pinili nito kaya tanggapin mo iyon. You chose the battlefied so now deal with it! Don't mess with his life any further!
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...