Chapter Fifty two

9.9K 513 85
                                    

"O, ba't ang bilis mo?" Kunot noong tanong sa kanya ni Chase ng bumalik siya sa kwarto nito wala pang isang oras ang nakalilipas.

"Wala namang rason para magtagal." Tipid niyang sagot bago lumapit dito.

His frown deepened. "And what do you mean by that?"

"Tapos ka na bang mag-ayos?" Pag-iiba niya.

"Oo tapos na at hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko."

She sighed. "Hindi na ako nag-tagal dahil ayos naman na siya."

Tumalikod na siya at nagtungo na sa pinto ng pigilan siya nito.

"There is something you are not telling me. What is it?"

Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago kinalma ang mga iyon. Nakangit siyang pumihit paharap dito. Her face now is a picture of complete nonchalance.

"Nothing much. May mga na-realize lang ako this morning after going to his room." She replied coolly na ipinagtaka ni Chase. Tinitigan niya ang wrist watch. "I think we should get going."

"Is there something wrong, Cece?"

"Wala."

Sandali siya nitong tinitigan. Sinalubong niya ang mga titig nito. Bumuntong hininga ito pagkatapos.

"You can stay here naman. I can go to the airport alone tomorrow."

"Ihahatid kita bukas sa airport. Saka I don't want you going back to your hotel room until your flight tomorrow. It's not safe there kaya sa akin ka titira. Sasamahan kitang kunin ang mga gamit mo sa hotel then saka tayo pupunta sa apartment ko."

"Okay.."

Pagkatapos nilang makuha ang mga gamit nito sa hotel, tumuloy sila sa isang restaurant para mag-lunch.

"So ilang araw ka dito bago bumalik ng Colorado?"

"Actually iniisip kong bumalik na bukas. Si Magnus na ang makikipagusap sa kliyente namin at magsesettle ng report dito so..."

"So mauuna ka ng umuwi sa kanila?"

Tumingin siya kay Chase. "I guess so.." Ang walang gana niyang sagot.

"How about that duke?"

She stopped twirling the pasta in her plate using her fork. Marahan niyang ibinaba ang tinidor sa plato at saka napasandal sa upuan. She sighed.

"What about him?" Balik tanong niya.

Hindi niya matagalan ang mga nagtatanong na mga mata nito kaya sa glass wall na lang siya ng restaurant tumingin. Itinuon na lamang niya ang atensyon sa pagbibilang mga taong dumadaan sa tapat ng restaurant.

"What's with the two of you? I know there is something going on dahil hindi magiging ganoon ang reaksyon mo ng mabaril siya ng gabing iyon kung wala."

Muli siyang napabuntong hininga.

"We just got closer a little bit habang magkasama kami sa misyon kaya ganoon."

This time, ito ang napabuntong hininga. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong magsabi. Basta, if you need someone to talk to, nandito lang ako."

She smiled at him tenderly. "I know.."

Pagdating sa kanyang apartment. Agad dumiretso si Chase sa guest room. Siya naman ay sa kanyang kwarto. Naligo siya at natulog. Nagising lang siya sa ingay ng cellphone niya. Pagtingin niya sa bedside clock, alas syete na ng gabi.

She groaned while rummaging for her phone underneath her pillow. Tinapat agad niya iyon sa tenga ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Yes, hello?"

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon