Chapter Fifty eight

10.7K 525 89
                                    

Nagising siya dahil sa matinding sakit sa kanyang tiyan. Sinapo niya iyon at saka pinakiramdaman ng ilang sandali. Nakahinga siya ng maluwag ng biglang humupa iyon ngunit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ng muli na namang humilab iyon. Napasinghap siya ng mas lalong tumindi ang sakit sa pangalawang paghilab.

"Ahh..." Sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang kanyang tiyan. Naninigas iyon kada hihilab.

Fuck!

Nagpapanic na siya pero kinalma niya ang sarili. Alam niyang hindi makabubuti sa kanya at sa anak kapag pinagunahan siya ng kaba ngayon. So with deep calming breaths, she reached for her phone at the bedside table. She needs to call River. Kailangan siyang madala sa ospital ngayon din!

Sa nanginginig na mga kamay ay i-dinial niya ang numero ng kaibigan.

"Hello..?" Ang groggy na sagot ng kabilang linya.

"River!"

"Oh.." Ang inaantok na sagot nito sa kanya.

"Wake up! You need to bring me to the hos—" Napangiwi siya ng humilab na naman ang kanyang tiyan. Sa bawat contractions na dumadating ay patindi ng patindi ang sakit!

"Cece.. pwede bang bukas mo ako tawagan? Inaant-"

"I'm having a labor you idiot! Dalhin mo na ako sa ospital ngayon din! Argh!!! Fuck..." Nabitawan niya ang cellphone at saka nasapo ang tiyan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi sa sakit. Naging mabilis din ang paghinga niya. Pinagpapawisan na siya ng malapot!

Fuck! Why did it have to be this painful?!!!

Mga mabibigat na yabag ang narinig niya. Ilang segundo pa ay ang pagbalibag ng pinto niya ang umalingawngaw sa buong kwarto. Ang humahangos na si River ang bumungad sa kanya. He's wearing a boardshort and a crumpled white shirt na mukhang hinugot lang nito kung saan. Magulo din ang buhok nito at halatang kagagaling lang sa pagtulog. His panicking eyes landed on her. Mabilis siya nitong linapitan.

"I-is it painful? W-wha.. what.. do I do? W-what do I need to do?" Ang natatarantang tanong nito.

Hinawakan niya ang braso nito at saka ito hinila palapit hangang sa ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

"I need you to stop. Fucking. Panicking. And get me to the fucking hospital NOW!" Madiing sigaw niya sa mukha nito.

"Right.. yeah, you're right. Yeah.." Mabilis siya nitong pinangko, groaning in the process. "God.. why are you so heavy!"

Napasinghap siya. "Ask me that again and I'll fucking kill you!" Ang galit na galit na sagot niya dito habang sapo sapo ang tiyan. Hindi ba nito alam na dala dala niya sa tiyan niya ang anak niya? Malamang, bibigat talaga siya!

Isinakay siya nito sa passenger seat ng sasakyan. Pagkababa nito sa kanya ay agad na namang humilab ang tiyan niya. The contraction much stronger than the last time.

"Fuck!!!!!!" Sigaw niya. Ramdam na ramdam niya ang butil butil na pawis sa mukha at katawan niya. Doon niya napansin ang nanlalaking mga mata ni River habang awang ang mga labing nakatingin sa kanya mula sa driver's seat. "What are you waiting for? Drive!" Singhal niya dito.

Sa nanlalaking mga mata ay mabilis na nagbawi ng tingin si River. "Shit! Shit! Shit!" Sunod sunod na mura nito bago pinasibad ang kotse.

"Drive at normal rate, you idiot! Baka madis-grasya tayo!"

"Huwag mo nga akong tinataranta! Mas lalo akong mawawala sa konsentrasyon nito eh!" Sigaw nito pabalik.

"Huwag mo akong sinasagot—argh!!!!!! Bilisan mo!!"

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon