"Hold my hand!"
"Chase just hold my hand!"
"I'm sorry.."
"No!!!!!"
She woke up with a jolt. And like the usual, she ended up clasping the sheet around her, again.
She sighed. Bumaba ng kama at saka sumilip sa labas ng bintana. Madilim na. Tinitigan niya ang relo. Seven o'clock pm. Nakatulog siya ng halos apat na oras.
Nag-init siya ng tubig panligo. She felt sticky and sweaty after having that horrid dream.
Paglabas niya ng cottage, naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Doon niya napagtanto na wala pa palang laman iyon simula ng bumiyahe siya mula Tabuk hanggang dito sa Tinglayan.
Malamig din ang pang-gabing hangin. Malamig na sa umaga pero mas triple ang lamig dito kapag gabi. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng sweater na suot bago naglakad papunta sa bahay ng kanyang guide.
Pagdating doon ay nakangiting sinalubong siya ni kuya Johny. Katabi nito ang nakangiting asawa at dalawang dalagitang anak. Sila ang may-ari ng cottage na tinitirhan niya. They are a middle aged couple who were born and raised here in the village.
"Magandang gabi po maam." Ang magalang na bati nito sa kanya pagkapasok niya sa bahay ng mga ito.
"Magandang hapon din po Kuya Johny."
"Ito po ang asawa kong si Agnes at ang dalawang dalaga namin, sina Maritess at Mariella."
Tumitig siya sa pamilya nito. "Magandang gabi ho." Bati niya na sinuklian naman ng mga ito ng isang bati at ngiti.
"Naku siguradong gutom na kayo. Tara po sa kusina. Ipinahanda ko na kay Agnes iyong hapunan natin."
Isang ngiti ang iginawad niya dito. "Salamat ho."
Sabay sabay silang kumain. Sa hapag ay laman ng usapan ang pagdating ng mga doctor at nurses dito sa village kanina na mag-sasagawa ng medical mission bukas. And just by the way they talk about the team, halata sa tono ng mga ito na hindi na bago ang pagdating ng grupo dito sa lugar.
"So.. matagal na silang nagsasagawa ng medical mission dito?" Ang tanong niya sa dalawa.
"Naku maam. Opo. Matagal na pong nagsimula ang pagsasagawa nila ng medical missions dito. Taon taon iyan maam. Minsan nga, pumupunta din sila sa ibang malalayong village na kagaya nitong sa amin pero mas madalas sila dito. Alam kasi nilang itong amin ang pinakamalayo sa hospital at health center." Kwento sa kanya ng ni Ate Agnes.
"Maganda po pala kung ganoon.."
"Aba'y maganda po talaga. Marami silang natutulungan dito lalo na iyong mga matatanda at bata po dito sa amin."
Tumango tango siya.
"Buti nga ang grupong iyon ulit ang magme-medical mission dito ate eh. Ang guwa-guwapo kasi at saka ang gaganda! Halatang mayayaman!"
"Oo nga! Para silang iyong mga bida sa napapanood nating koreanovela sa DVD di ba?"
"Oo! Maka-order nga ulit ng mga bagong korean DVD kay Monang. Pupunta daw ulit silang maynila eh!"
BINABASA MO ANG
Comrades in Action Book 5: Cece Klein
RomanceAs a child, Cece has already experienced terrible things a parent wouldn't want for their child to experience. Being abandoned and alone in a foreign country taught her what fear and death was truly like. She had learned how to survive first hand in...