Chapter Sixty five

12.4K 381 31
                                    

She's in the kitchen cooking. Noong una ay ayaw ni David na pagawain siya ng kahit na anong trabaho but what the hell? She had been here in Derrick's estate for more than a month now at masasabi talaga niyang buryong buryo na siya sa kawalan ng magawa. She's not used to this kind of lifestyle dahil sanay siyang laging may ginagawa... laging may aksyon. When everything turns right between her and Derrick, she'll ask him if he could allow her to work. She's a toxicologist by profession and given her credibility and work experience, she knows, hindi siya mahihirapang maghanap ng trabaho.

Bigla siyang namula. She'll ask permission, huh? Ngayon ramdam na talaga niya na kasal na siya. Hindi na siya pwedeng gumawa ng mga seryosong bagay dahil lang sa gusto niya. Now she'll have to tell Derrick about those things too kung sasang-ayon ba ito o hindi.

Mabuti na lamang at nandiyan ang anak niya para kahit papaano ay may umaaliw sa kanya. Hindi naman kasi mahirap alagaan si Zakki kahit na hands-on mother siya dito. Paminsan minsan ay humahalili sa kanya si Kara pero most of the time ay talagang siya ang nag-aalaga sa anak niya.

Minsan iniisip niya na kung gaya lang siguro ng ibang bata diyan si Zakki na pala-iyak at makulit, hindi siya magrereklamo na bore na bore siya dahil tiyak ang pagiging haggard niya sa pag-aalaga dito. Pero ang anak niya, sa murang edad pa lang ay napakadisiplinado na. He wouldn't cry unless nagugutom ito o di naman kaya ay may poo poo sa diaper nito. Once na maibigigay na niya dito ang gusto, titigil na ito agad sa pagiyak unlike other babies na halos magkulay ube na sa kakaiyak kahit na naibigay na ng magulang ang gusto nila.

One time, she tested just how patient and calm Zakki is. Crazy but she did it anyway just for the fun of it. Nasa library sila at hindi niya ito pinansin ng five whole minutes at nagkunwa lang siya na nagbabasa ng libro. Next thing she felt were daggers being sent her way. Ng tignan niya kung saan iyon nagmumula, nalingunan niya si Zakki na nakakunot at masama ang tingin sa kanya. His blue eyes were sending daggers her way and he looked so cute while doing it.

Hindi talaga niya napigilan. Napatawa siya ng malakas dahil sa sobrang pagkamamgha. She wished dala-dala niya ang cellphone niya that time para nakuhanan niya ang reaksyon ng anak. Binuhat niya ito at saka pinanggigilan na ikinahagikgik naman nito.

Tsk. Manang mana talaga sa ama..

Napatigil siya ng maramdamang may natingin sa kanya. Ng tumitig siya sa pinagmulan niyon ay wala naman siyang nakita. Ipinagwalang bahala na lamang niya iyon.

She snapped out of her thoughts when she heard a 'ting' from the waffle machine. Matapos ilagay sa plato ay inilapag na niya iyon sa mesa kasama ng scrambled egg, bacon and fresh juice na inihanda niya para sa agahan.

Isang palakpak ang narinig niya. Nakangiting binalingan niya ang anak na tuwang tuwang pumapalakpak habang nakatingin sa mga pagkaing inihanda niya.

"It looks good, di ba, Zakki? Nagugutom ka na ba anak?" Her baby just answered her with inaudible blabber. "Well, I'll take that as a yes." Nakangiting wika niya bago inilapag sa harap nito ang baby food. Tinitigan niya si Kara na siyang kumakandong sa bata. "Pakainin mo na siya, Kara."

"Okay baby, say 'ahhh'." Pero inilihis lang ng anak niya ang bibig. Kunot noong itinuturo nito ang mga pagkaing niluto niya sa mesa.

"Ayaw niyang kumain, ikaw kasi, tinakam mo pa.." Wika ni Kara na ikinatawa lang niya.

"Ano ka ba, you will just have to trick him a bit. Ganito. Amin na."

Binuhat niya ang anak. Kumuha siya ng pagkain mula sa niluto niya. Pigil na pigil niya ang pagtawa ng makitang sinusundan talaga nito ng tingin kung saan siya kukuha ng pagkain!

"Kara, kumuha ka ng pagkain sa bowl niya using his spoon." Wika niya bago muling binalingan ang anak. "Open up baby.. 'ahhh'." Iniumang niya dito ang kutsarang hawak. Ng bumuka ang bibig nito ay agad niyang sinenyasan si Kara na isubo ang hawak nitong kutsara kay Zakki. She smiled in satisfaction when Zakki ate it well. "Hayan. Good job!"

Comrades in Action Book 5: Cece KleinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon